Huwag Panghinayangan ang Ginawang Kabutihan

22 1 2
                                    

Nasabi mo naman minsan kay Lord ang mga ganito: "Lord bakit naman ganon tinulungan na nga namin sila ganito ba ang ginawa nila sa amin?" "Lord makatapos lahat ng kabutihan na ginawa nila sa amin ganito ang igaganti nila sa amin?" "Lord ang unfair naman nila sa amin."
Di man maganda ang naging balik ng kabutihan at pagtulong mo sa iyong kapwa ay ito ang sinasabi ng Diyos sa Iyo:
Hebreo 13:16 ASND

At huwag nating kalimutan ang paggawa ng mabuti at pagtulong sa iba, dahil ang ganitong uri ng handog ay kalugod-lugod sa Dios.

Huwag kang manghinayang sa nagawa mong kabutihan... di ka man nasuklian ng maganda ng taong ginawan mo ng kabutihan ay ang Diyos na ang bahalang magbigay ng pagpapala sayo.
Kaya huwag kang sumuko sa paggawa ng mabuti at pagtulong sa kapwa... gawin mo ito para sa pagmamahal mo sa Panginoon at para sa pagmamahal mo sa iyong kapwa dahil yun naman ang kalugod lugod sa Diyos.

Panalangin
Lord Jesus, nasasaktan man po kami dahil sa hindi naging magandang balik sa pagtulong at paggawa namin ng mabuti sa aming kapwa ay maraming salamat dahil pinapaalala Niyo po sa amin ang magpakumbaba at wag manghinayang dahil makakaasa pa rin kami sa pagpapala Niyo. Lord tulungan Niyo po kaming wag sumuko sa paggawa ng kabutihan at pagtulong sa ibang tao dahil mahal namin Kayo at aming kapwa tao.

Time with GodNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ