Si Peter Van Houten

17 0 0
                                    

Kung napanood or nabasa niyo na ang libro or pelikulang "The Fault in Our Stars" ni John Green ay malamang pamilyar ang isang character sa nobelang ito na nagngangalang Peter Von Houten.
Si Peter Van Houten ay ang paboritong author ng bidang babae sa nobelang iyon na si Hazel Grace.
Sa istorya ay isinulat ni Peter Van Houten ang naging paboritong nobela ni Hazel Grace na "An Imperial Affliction" nakakarelate kasi si Hazel sa nobelang iyon dahil ito ay tungkol sa batang babae na may cancer. Subalit walang naging conclusion ang nasabing nobela kaya kasama ang boyfriend niya na si Gus ay nagpunta sila sa Amsterdam upang hanapin ang nasabing author upang linawin ang mga nangyari at upang kumbinsihin ito na ituloy ang sequel ng nasabing nobela.
Pagkakita nila kay Peter sa Amsterdam ay nadisappoint sila nang makita itong lulong sa alak at tila walang direksyon dahil sa pagkamatay ng kanyang anak na babae dahil sa leukemia.
Nadisappoint si Hazel Grace sa nalaman niya tungkol sa author na iyon at sa bandang huli ng nobela ay sinabi ni Hazel sa mga magulang niya na piliing ipagpatuloy ang buhay sa pagdating ng panahon na mawala na siya sa mundong ito.
Si Haring David ay naranasan ding mawalan ng anak. Habang may karamdaman ang kanyang anak ay nag ayuno syat nanalangin at humingi ng awa sa Diyos na pagalingin ito pero kinuha pa rin siya ng Diyos.
Nong nalaman na niyang namatay na ng tuluyan ang kanyang anak ay lumabas sya ng kuwarto at kumain na.
King David unlike Peter choose to move on and move forward kahit masakit ang nangyari sa buhay niya.
This story thought us na lets not stay in mourning or in griefing... are pain and feelings are valid pero piliin pa rin nating ipagpatuloy ang laban natin sa buhay at magtiwalang may maganda pa ring plano ang Diyos sa atin dahil katulad ng kwentong ito after mamatay ang anak ni David ay muli silang nagkaanak ni Batsheba at ito ay si Solomon, ang sumunod na hari ng Israel.

22 Sumagot si David, "Oo, nag-ayuno ako at umiyak noong buhay pa ang bata dahil iniisip ko na baka kaawaan ako ng Panginoon at hindi niya payagang mamatay ang bata. 23 Pero ngayong patay na ang bata, bakit pa ako mag-aayuno? Mabubuhay ko pa ba siya? Darating ang panahon na makakapunta ako sa kinaroroonan niya, pero hindi na siya makakabalik sa akin." 2 Samuel 12:22-23

Panalangin:

Lord sa tuwing kami ay dumadaan sa pagkakabigo at pagdadalamhati tulungan Niyo pa rin po kaming maging malakas, ipagpatuloy ang buhay at magtiwalang may nakaabang pa rin na magandang bagay Kayo sa amin sa kabila ng lahat.

Time with GodDonde viven las historias. Descúbrelo ahora