When Your Dreams Become Uncertain

17 2 0
                                    

May isang testimony mula sa isang Christian program sa TV ang di ko makalimutan dahil naiyak ako sa tuwa para don sa nagtetestimony.
May isang lalaki na pangarap niya ang magka abroad at mapasyal ang mga magulang sa ibang bansa kaya naman nag apply siya ng work sa abroad.
Pero nang matapos ang kanyang medical examination ay sinabi ng employer niya na di siya nakapasa dahil lumabas sa kanyang med exam na siya ay positive sa HIV.
Nanlumo siya sa kanyang nalaman at ipinagtapat niya sa kanyang mga magulang ang kanyang sakit. Kesa magalit ay nagulat siya nang niyakap siya ng mga ito at inintindi ang kanyang sitwasyon.
Pero ang hindi niya matanggap ay pagguho ng pangarap niya na makapag abroad kaya sinubukan niyang kitilin ang kanyang buhay pero buti na lang at hindi ito natuloy.
Nong nagpapacheck up na siya sa kanyang doktor ay ipinagtapat niya ang pagkakamaling katait niya ng gawin. Nagkataon na isang Kristyano ang kanyang doctor at shinare an niya ito ng gospel. Doon nagsimula ang journey niya sa malalim niyang relasyon sa ating Panginoon hanggang sa naging aktibo siya sa mga grupo ng mga pasyente rin na kapwa niya may HIV.
Naging magaling na speaker siya patungkol sa HIV at yun ang nagdala sa kanya sa ibat ibang bansa upang magbigay inpirasyon sa kanyang kapwa na may ganon din sakit.
Imagine that sa kabila ng uncertainties ay isinakatuparan pa rin ng Panginoon ang kanyang mga pangarap na mas higit pa sa pinapangarap niya. Hindi na siya broken dreams kundi isang fulfilled dreams.
Kahit ang inyong lingkod ay dumadaan din sa ganitong sitwasyon... nagkakaroon din ako ng disappointments at pagkabigo dahil sa mga uncertain na sitwasyon na tila feeling mo wala ng pag asang matupad ang iyong mga pinapangarap.
When everything is uncertain..  kapag ang mga bagay ay naging "I do not know" na it is the time to level up our faith.
Kaya patuloy na kumapit sa Panginoon, idulog natin sa kanya ang ating mga pangarap and trust His process.

 Jeremiah 29:11 "For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." 

Panginoon
Lord patawarin Niyo po kami sa mga times na nagdadoubt kami sa pananampalataya namin. Lord punan Niyo po ang kakulangan sa aming pananampalataya at tulungan Niyo po kaming wag mawalan ng pag asa at magtiwala sa Inyong proseso

Time with GodWhere stories live. Discover now