Siga ka ba?

38 0 0
                                    

Joshua 2:11 Natakot kami nang mabalitaan namin ito at naduwag ang bawat isa sa amin dahil sa inyo. Sapagkat ang Panginoon na inyong Dios ay siyang Dios sa langit at sa lupa.

Noong nagcollege ako at hanggang ngayon sa pagtratrabaho ko sa opisina ay binibiro talaga nila ako kapag sinasabi kong akoy laking Tondo or taga Tondo.
Yung mga lalaki sa amin laging biro sa akin "Naku wag mong babanggain yan, siga yan sa Tondo." Kahit biruan lang yun ay talagang iba talaga ang dating kapag sinasabing batang Tondo ka. Parang narerelate ka na sa mga Gangster doon at sa iba pang kilalang matatapang na tao sa Tondo. Part na kasi ng history ng Tondo ang mga yun mula sa matatapang na Lakan dito noong sinasakop pa lang tayo ng Kastila, ang ating mga magigiting na katipunero na sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Macario Sakay hanggang kay Asiong Salonga na kilalang kinatatakutang gangster noong 60s... abay sino ngang hindi matatakot sa mga taga Tondo?
Noong panahon ni Joshua ay kinatatakutan din ng mga tao noon ang mga Israelita... hindi dahil sa madaming gangster sa kanila kundi dahil na sa kanila ang Buhay na Diyos.
Ang Diyos na nagpalaya sa kanila mula sa Egipto sa pamamagitan ng paghahati sa Red Sea at ang pagpatay nila sa dalawang hari ng mga Amoreo.
Kaya ito namang si Rahab na taga Jericho, dahil sa takot ay tinulungang itago ang dalawang espiya na pinadala ni Josua mula sa mga tauhan ng Hari ng Jerico.
Kapalit ng mabuting loob ni Rahab ay nakaligtas siya at ang kanyang pamilya mula sa fall of the walls of Jericho at dahil ito sa astig na Diyos ng mga Israelita.

Marahil ay ikaw ay hindi taga Tondo na katulad ko... marahil ikaw ay nakatira o lumaki sa isang simple at tahimik na pamayanan. Pero kaibigan no need mo nang maging taga Tondo or Israelita upang maging siga. Dahil ang Buhay na Diyos ay inaabot ang mga taong lumalapit sa Kanya... kahit saan ka nakatira.
Kaya kapatid... siga ka rin! Kasi ang Diyos mo ay ang Buhay na Diyos at wala kang dapat katakutan!

Josua 2:24 Sinabi nila, "Totoong ibinibigay ng Panginoon ang buong lupain sa atin. Ang mga tao roon ay takot na takot sa atin."

Panalangin

Panginoon marami pong salamat dahil alam po namin na sa piling Niyo ay wala po dapat kaming katakutan. Nawa Panginoon ay ipagpatuloy Niyo pa po na ipahayag sa buong mundo na Kayo po ang buhay na Diyos... at ang mga taong lumalapit sa Inyo ay walang dapat katakutan.

Time with GodWhere stories live. Discover now