Thank You Lord!

24 1 0
                                    

Isang nakakaworry na balita ang natanggap namin ng umagang iyon... sinugod sa hospital ang 14 yrs old kong pinsan dahil sa nilalagnat siya at di na makatayo.
Nagdasal kami ng mataimtim dahil alam naming hindi na maganda ang kalagayan niya. Buong araw kaming balisa at nagdarasal para sa kagalingan ng aking pinsan.
Sumapit ang gabi ay nakatanggap kami ng balita ng need ng dugo ng pinsan ko. Nagtutulong tulong kaming magkakamag anak sa paghahanap ng dugo nya pero talagang walang supply.
Hanggang sa kinanta naming pamilya ang worship song "Walang Mahirap Sayo" sa aming pagkanta ay nakatanggap kami ng message na nakapagreserba na ng 2 bags ng dugo ang isa kong pinsan. Sabay sabay kaming nagpa-thank you Lord! Sa magandang balita na yun at dahil 4 bags ang kailangan ng pinsan ko ng gabing iyon ay nagpatuloy kami sa pagkanta hanggang sa may natanggap na message ang isa ko pang pinsan nakakuha pa raw  siya ng isang bag ng dugo. Nagsigawan kami sa pagpapasalamat sa Diyos dahil napatunayan Niyang wala ngang mahirap sa Kanya.
Patuloy ang aming panalangin habang kinocoordinate na sa hospital ang supply ng dugo ng nabasa namin ng message sobrang hina na raw ang pinsan ko... at di na nakakausap... bumaba na raw na oxygen level..di na rin alam ng kanyang magulang ang gagawin.
Sobra kaming nanlumo sa balitang un... sabay sabay kaming nagdasal na Lord mag provide kayo ng Oxygen... Lord please... we are all praying for a miracle to happen nang sumigaw ang pamangkin, "Abby stop it!"
Sabi ko sa pamangkin kong 3 years old na sabayan na lang niyang kami sa pagdarasal para sa Tita niya pero sabi niya "Me Amen." Siya raw ang magdarasal at hinayaan namin siyang magsalita at ito ang kanyang sinabi "Thank You Lord. Thank you Lord."
Natigilan kaming lahat sa sinabi ng pamangkin ko... di ko alam kung bakit nya nasabi un sa gitna ng pakikiusap namin sa Diyos na pagalingin ang pinsan ko. Tila parang ginagamit ni Lord ang isang 3 years old na bata upang ipahatid sa amin ang nais Niya.
After an hour... kinuha pa rin ni Lord ang pinsan ko. Masakit... maslalo na kapag naiisip na ang bata pa nya para mawala... naiisip namin ung sakit na nararamdaman ng mga magulang nya dahil nag iisa lang siyang anak at napakabait niyang bata. Naiiyak ako sa tuwing naaalala ko ang batang yun... hindi ko alam kung bakit siya kinuha ni Lord ng ganon kaaga at siguro darating din ang panahon na maiintindihan din namin ang lahat ... ang alam ko lang ng mga oras na yun ay tila sinasabi sa amin ng Diyos ang sabi sa 1 Thessalonians 5:17–18 Pray continually, give thanks in all circumstances; for this is God’s will for you in Christ Jesus.
Patuloy pa ring magpasalamat at magpuri sa Diyos sa magaganda man or mga pangit na sitwasyon.

Panalangin

Panginoon patawarin nyo po kami sa mga times na nalulungkot kami at nasasaktan ay mas pinili naming magdoubt at magreklamo sa Inyo kesa magpasalamat. Nawa ay lagi Niyong ipaalala sa amin na huwag sumuko sa pananalangin kahit na may mga nakakadiscouraged na pangyayari, magpatuloy kaming magpasalamat at magpuri sa Inyo at magtiwala sa mga plano Niyo.

Time with GodWhere stories live. Discover now