Si David at si Saul

27 1 0
                                    

Ngayong nalalapit na ang campaign period para sa eleksyon at nagkakaroon na mga bulung bulungan kung sino ang  kakandidato sa mga ganito at ganyan ay kabi kabilaan din ang mga bangayan, siraan at fake news sa mga posibleng magkakalaban sa eleksyon. Andyan na ung inggitan, punaan ng mga ginagawa, balitaktakan, parinigan na sa madaling salita na sa season tayo na tila parang sinusubaybayan na nating teleserye ang mga patutsadaan sa pulitika.
Hindi nalalayo sa sitwasyon ng pulitika ngayon ang pulitika during the old testament biblical times.
Dahil sa inggit at paghanga ng mga Israelita sa kagalingan ni David ay binalak ng nakaupong hari noon na si Saul na patayin si David. May mga naging strategies siya upang puksain si David kaya naman itong si David sa tulong ng Panginoon ay kung saan saan tumakbo at nagtago upang di matuloy ang masamang balak sa kanya ng hari.
Sa 1 Samuel 24 nang ibinigay na ng Diyos kay David at oportunidad at free will na gawin niya kung anong gusto niyang gawin kay Saul ay pinili ni David na respetuhin pa rin ang hari, patawarin ito at huwag itong gawan ng masama. Kahanga hanga di ba? Kapabaliktaran sa nga revenge stories na madalas nating mapanood sa mga teleserye ngayon. Ipinaubaya ni David ang paghatol sa Panginoon at di nya dinungisan ang kanyang mga kamay.
Kaya naman itong si Saul ay napaiyak na lang sa kabutihan ni David at tinanggap ng buong puso na si David na ang susunod na hari ng Israel. Kaya naman di na nakakapagtaka kung si David ang isa sa magagaling na hari ng Israel dahil sa kabutihan ng kanyang puso.
Kahit hindi sa pulitika kahit isang ordinaryong tao ka lang ay may times na may ibang taong manghahamak at maninira sa iyo. Nawa katulad ni David ay piliin nating wag gumanti at piliin rumespeto pa rin sa kapwa natin.

12 Ang Panginoon sana ang humatol sa ating dalawa, at parusahan kayo ng Panginoon sa mga ginagawa nʼyo sa akin. Pero wala akong gagawing masama sa inyo, 13 sabi nga ng kasabihan, ‘Ang masamang tao lang ang gumagawa ng masama.’ Kaya hindi ko kayo gagawan ng masama.
1 Samuel 24:12-13

Panalangin:

Lord God maraming salamat at ginamit Niyo po si David upang maging magandang halimbawa isang taong may kababaan pa rin ng loob, respeto sa kapwa at hindi mapaghiganti. Nawa tulungan Niyo rin po kaming maging katulad ni David sa mga times na nakakaranas kami ng mga panghahamak ng ibang tao. Piliin po sana naming ipanalangin sila at ipaubaya ang sila sa Inyo.

Time with GodWhere stories live. Discover now