Hahabol-habol

9 1 3
                                    

Natural na sa tao ang maghabol... habulin ang ex na nang-iwan sa kanya kaya naman todo makaawa ka or nanliligaw ka uli upang magkabalikan kayo.
Maghabol ng pambayad sa utang at mga bayarin kaya naman todo kayod ka at halos wala ng time magpahinga upang kumita ng pera.
May mga naghahabol naman na mapromote sa trabaho kaya naman lahat ng bagay ginagawa nila para maimpress ang mga boss.
Meron ding mga naghahabol ng madami likes, comments, followers or suscribers sa kanilang mga social media accounts kaya naman sobrang abala sila sa kakaisip ng gimik or concepts upang maka-attract ng mga netizens.
Andyan naman ung hinahabol natin ang ating mga pangarap kaya busy tayo sa pag-iisip at paggawa ng plano upang maabot natin ito.
Sa sobrang kakahabol natin ay hindi na natin namamalayan ay may nakakalimutan na tayo... at iyon ay ating spiritual life. Hindi na natin nagagawang magkaroon ng time kay Lord dahil we are busy pleasing other people and seeking approval from them.
Kaya anong nangyayari instead na gumawa tayo ng nakakalugod sa Panginoon ay mas pinapaboran na natin ang mali at ginawa natin itong tama. Nakakalungkot.
In physical aspect nakakapagod ang maghabol... kapag tumatakbo ka ng mabilis at mahaba ang tendency ay mapapagod ka at nadadapa ka pa.
Pero ano bang pangako ng Diyos sa atin ?

Deuteronomio 28:1-2
“Kung lubos ninyong susundin ang Panginoon na inyong Dios at gagawin ang lahat ng utos niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, gagawin niya kayong nakakahigit sa lahat ng bansa rito sa mundo. 2 Kung susundin ninyo ang Panginoon na inyong Dios, mapapasainyo ang lahat ng pagpapalang ito.

If we will follow God at mananatili tayo sa Kanya ng may katapatan.. hindi na tayo kailangang maghabol dahil mismong ang mga blessings at ang mga pangarap natin ang maghahabol sa atin.
Lagi po nating unahin ang Diyos at isapuso ang Kanyang mga salita.

Panalangin

Ama namin patawarin Niyo po kami madalas po ay busy po kami sa kakahabol sa nga earthly things at nakakalimutan na po namin Kayo at ang mga kautusan Niyo. Lord renew our faith... tulungan Niyo po kami ipaalalala sa amin at sundin ang Inyong kalooban.

Time with GodWhere stories live. Discover now