David, Abigail at Nabal

20 2 1
                                    

"Siya na nga tong tinulungan siya po itong galit!"
Ito ang usually ba linyahan natin sa tuwing naiinis tayo sa isang tao. Madalas ang linya na yan sa utangan... kapag naniningil ka na kesa makiusap ung nangutang na bigyan siya ng extension ay siya pa itong galit sa paniningil.
Kaya naman ang istorya ni David, Abigail at Nabal ay hindi na kakaiba sa mga panahon na ito kung saan makatapos bantayan ng mga tauhan ni David ang mga ari arian ni Nabal ay pagsusungit, pagdadamot at hindi pagkilala ang iginanti sa kanya nito.
Nagalit si David sa ginawa ni Nabal at napagisipan niyang patayin ito subalit ang maganda at woman of wisdom na asawa ni Abigail ay hinarap si David at humingi ng kapatawaran sa nagawa ng asawa. Dahil sa magandang pakikipag usap ni Abigail at di na tinuloy ni David ang pagganti niya kay Nabal at hinayaan na niya ang Diyos ang gumanti para sa kanya. Hanggang sa inatake nga sa puso si Nabal, di nakagalaw hanggang sa mamatay ito.
Sinasabi ng kuwentong ito na sa tuwing makakaencounter tayo ng nga difficult persons katulad ni Nabal ay idalangin natin sa Diyos na bigyan tayo ng wisdom kung paano sila pakikitunguhan at wag magpadala sa bugso ng damdamin na pwedeng magdala sa atin na makagawa ng masama. Katulad ni David at wag na lang natin silang patulan kahit pa gaano kasakit ang kanilang ipinakita sa atin at ipasaDiyos na lang sila. Katulad naman ni Abigail ang piliin nating naging peacemaker kesa palalain natin ang isang hindi magandang sitwasyon.
Lets surrender to God ang mga feelings natin sa mga taong may hindi magandang ginawa sa atin at makakaasa tayo na gagabayan Niya tayo sa pagharap natin sa kanila.

1 Samuel 25:
32 Sinabi ni David kay Abigail, “Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagpadala sa iyo ngayong araw na ito para makipagkita sa akin. 33 Salamat sa Dios sa mabuti mong pagpapasya. Dahil dito, iniwas mo ako sa paghihiganti at pagpatay. 

39 Nang mabalitaan ni David na patay na si Nabal, sinabi niya, “Purihin ang Panginoon! Siya ang gumanti kay Nabal dahil sa pang-iinsulto niya sa akin. Hindi na niya hinayaang ako pa ang gumawa noon. Pinarusahan niya si Nabal sa masama niyang ginawa sa akin.”

Panalangin

Lord God itinataas po namin sa Inyo ang anumang galit at inis na nararamdaman namin sa aming kapwa  Lord bigyan Niyo po kami ng wisdom sa pagharap naman sa kanila. Piliin po nawa namin maging mabuting tao sa kabila ng lahat at wag piliin ang paghihiganti.

Time with GodWhere stories live. Discover now