Best Example of Salvation

5 0 0
                                    

Pasa sa akin ang pinaka the best example ng salvation ay yung sa magnanakaw na katabi ni Hesus sa Krus at nagsabi sa Kanya ng: Lucas 23:42
[42]At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.

This man did not involve himself in any charity works infact magnanakaw nga siya eh, he even not participated in any religious rituals at wala na siyang chance pang gumawa ng madami pang kabutihan pero nang mabigyan siya ng pagkakataon na tanggapin si Hesus... kahit na malalagutan na siya ng hininga he confessed his sins and asked Jesus to remember him kaya naman ang reply ni Jesus ay: Lucas 23:43
[43]At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.

We are not saved according to our human efforts, hindi binibilang ng Diyos kung ilang tao ang natulungan natin at sasabihan niya sa atin okey pasado ka na sa langit. Hindi rin niya chinicheck kung ilan sa 10 commandments niya ang may katapatang sinusunod natin, hindi siya parang teacher na naglalagay ng passing grade na 5 out of 10 papasa na sa langit. Hindi rin niya ni wiweigh kung gaano ka kabuti.
Ang tinignan ni Lord ay yung genuine heart natin na tanggapin si Jesus Christ.
Kung authentic ang pagtanggap natin kay Hesus unti unti He will transform ung ibang bahagi ng lives natin upang umayon tayo sa Kanyang kalooban.
Lets accept Jesus Christ in our lives today.

Panalangin

Lord Jesus, ako po ay nagpapasalamat sa Inyo dahil hindi pa po ako ipinanganganak ay tinubos Niyo na po ang lahat ng aking mga kasalanan. Inaamin ko po ako po ay makasalanan at hinihiling ko po sa Inyo na ako po nawa ay Inyong patawarin.
Lord Jesus, tinatanggap kita sa aking buhay. Kayo na po ang maghari sa aking buhay.

Time with GodWhere stories live. Discover now