Seat and Fasten Your Seatbelt

18 1 0
                                    

Maliit lang na eroplano ang sinasakyan namin non galing ng Basco Batanes (nong mga panahon na yun ay walang sikat na commercial flights sa Batanes) malapit na kami sa NAIA at nasa ibabaw na kami ng Manila Bay kaya pinafasten na ang seatbelt namin para magready sa pagbaba ng eroplano. Pero more than an hour na ay hindi pa rin lumalapag ang eroplano na lulan namin at napansin namin na umiikot ikot lang siya sa Manila Bay. Isa sa mga kasamahan namin sa eroplano na yun ang nag aalala na, inanbuckle niya ang kanyang seatbelt at nilapitan ang flight attendant kung ano ang nangyayari dahil ang tagal naming umiikot ikot lang sa ere.
Sinabi ng flight attendant na umupo siya at isuot muli ang kanyang seatbelt dahil nasa fasten seatbelt sign ang eroplano at inexplain niya na kaya ang tagal bumaba ang eroplano dahil nagkakaroon ng traffic sa runway ng NAIA.
Madalas sa buhay natin maslalo na kapag may mga hinihintay tayo sa ating buhay at dumadaan tayo sa pagsubok ay andon ung napapatanong din tayo sa Diyos na bakit ganito? Bakit ang tagal? Lord nakakainip. Gusto na rin nating tumayo at nais natin na tayo na lang ang gumawa ng paraan (minsan gagawin natin sa paraang di nakakalugod sa Kanya) kahit ang bilin ni Lord sa atin ay to trust Him and wait.
Sabi Awit 37:7
Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya;
    huwag mong kainggitan ang gumiginhawa,
    sa likong paraan, umunlad man sila.

Sa flight ng ating buhay lagi nating tandaan na magtiwala sa nag iisa nating Kapitan... kaya seat and fasten your seatbelt of faith.

Panalangin
Panginoon, kami po ay Inyong patawarin sa mga panahon na kami nauubos na ng pasensya sa kakahintay at napapagod na sa mga pagsubok namin sa buhay. Lord God tulungan Niyo po kaming dagdagan pa ang pananampalataya namin sa Inyo at nagtiwala sa Inyong proseso at tamang panahon.

Time with GodWhere stories live. Discover now