Love is Blind

15 1 0
                                    

Naging definition niyo ba ito ng Love noon kapag pumipirma kayo sa slumbook "Love is blind"
Kapag nagmahal tayo bulag kasi tayo, nagtitiis tayo kapag mahal natin ang isang tao. Kahit na niloloko tayo okey lang kasi mahal mo eh, sabi nga sa kanta ni Roselle Nava :
"Kahit na, Niloloko mo lang ako
Kahit na tumingin ka sa iba
Magmahal ka ng iba
Magbubulag-bulagan ako
Masakit man ito dito sa puso ko."
At ito pa "Hindi ako matatakot mahihiya
Anuman ang sabihin nila
Dahil mahal kita"

Grabe ang martyrdom sa pag-ibig di ba? Sinong naka relate? Aminin nyo, naging  favorite love song niyo rin yan di ba.

Tunay nga na nakakabulag ang pag-ibig... kahit sinasabi na ng konsensya mo na mali... tinitwist mo pa rin at kinakatwiran mo pa rin na tama kasi idol mo eh, dapat idefend mo.

Pero ibahin nyo kapag tayo ay nagdesisyon na ibigin ang Diyos, gawin Siyang lover of our soul hindi "Love is Blind" ang ibibigay Niya sa Iyo. Kundi bibigyan Niya kayo ng malinaw na paningin!
Mga Gawa 26:18
[18]Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.

Hindi ka bubulagin ng pag ibig ng Diyos kundi bubuksan Nya ang Iyong mga mata sa katotohanan hindi dahil para ipamukha niya sa Iyo na mali ka ito ay para ihingi mo ito ng kapatawaran at ipinalangin mo sa Kanya na baguhin ang iyong puso because of His love matatanggap mo hindi lang ang katagumpayan mo dito sa mundo kundi ang buhay na walang hanggan na kasama Siya.
Kaya naman ikaw... kapag nararamdaman mong kumakatok sa puso mo si Lord at nililigawan ka... sagutin mo agad! Hindi mo pagsisihan ang pagiibigan Niyo.

Panalangin

Lord, sorry po sa mga pagkakataon na nabubulag po kami ng maling pag ibig sa aming kapwa. Lord, ngayon po ay tinatanggap po namin ang pag-ibig Niyo sa amin. Tinatanggap po namin si Hesus sa aming buhay sapagkat dahil sa Kanya ginawang sakripisyo sa Krus ay ipinadama at ipinakita Niyo sa amin kung gaano Niyo kamahal ang mundong ito at kung gaano Niyo po kami nais iligtas mula sa kasalanan. Lord salamat po sa puso Niyong mapagpatawad.

Time with GodWhere stories live. Discover now