I Deserve an Explanation

12 1 0
                                    

Marahil pamilyar kayo sa linyang ito mula sa pelikulang Starting Over Again
"I deserve an explanation. I need an acceptable reason." Ito ang tanong ni Marco  sa ex girlfriend niyang si Ginny dahil hindi niya alam kung bakit siya iniwan nito noon. Mala ganito rin ang tanong ni Job sa Panginoon nang makaranas na siya ng kabila kabilang pagsubok kahit na naging tapat siya sa Diyos. Marahil ay ganito rin tayo kapag nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa buhay, "Lord bakit ako?" "Lord bakit ganito ang ginawa mo?" "Lord bakit ka ganyan di kita maintindihan."
Ang sabi sa Job 5:8-9
[8]Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios, at sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:
[9]Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita; ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:

Sa mga panahong madami tayong tanong sa mga nangyayari sa ating buhay saliksikin natin si God, maslalo natin siyang kausapin through prayers and reading the bible. Maslalo tayo maglaan ng devotion time sa Kanya at makiusap tayo sa Diyos na Siya ay mangusap sa ating buhay. Idalangin natin na ireveal Niya sa atin kung ano man ang ating naging kamalian at kung paano natin maitutuwid ito. Manghingi tayo ng gabay at mga pangakong panghahawakan natin habang humaharap tayo sa mahihirap na bahagi ng ating buhay. Kesa lumayo ay mas piliin nating lumapit at magrely sa Panginoon.
Sa kaso ni Job ay matagal din naging silent si God sa kanya... but when the Lord  started to talk ibinalik Niya kay Job ng doble ang lahat ng nawala sa kanya.
Kapatid, hindi man po natin maintindihan ang mga nangyayari sa ating buhay ay patuloy  po tayong magtiwala at manalig sa proseso ng Diyos.

Panalangin

Aming Ama, patawarin Ninyo po kami sa mga times na hindi po namin mapigilan na magtatanong sa Inyo ng "Bakit?" Lord sa kabila ng lahat ay huwag Ninyo kaming hayaang lumayo sa Inyo bagkus ay gamitin Niyo ang mga pagsubok na ito upang mas mapalapit pa po kami sa Inyo. Ama, kami po ay buong puso na nagtitiwala sa Inyo.

Time with GodWhere stories live. Discover now