I-mine mo na yan!

9 1 0
                                    

Natutuwa ako sa mga napapanood kong testimonies sa isang sikat na Christian show. Inaabangan kasi ng mga manonood ng nasabing show ang kanilang prayer time, kung saan habang ang mga hosts ay nanalangin thru the guidance of the Holy Spirit ay namemention nila ang ibat ibang sakit, kalagayan or problema ng mga tao. May mga may cancer na gumaling, may mga matagal ng iniindang sakit sa ibat ibang bahagi katawan ang automatically nawala na ang sakit na nararamdaman, may mga baon sa utang ang unti unting nakalaya sa kanilang mga loans, may mga taong dumadaan sa adiksyon or depresyon ang himalang nakawala sa mga tanikalang ito. Lahat sila ay isa ang sinasabi, nang marinig nila ang prayers na yun at narealized nilang para sa kanila ang prayer na un, klinaim na agad nila ang blessings / kagalingan at nagpuri agad sila sa Panginoon.
Sa aklat ni Juan 4 ay may isang opisyal ng pamahalaan na ang anak na lalaki ay may sakit at nasa Capernaum. Nakiusap siya kay Hesus na sumama sa kanya sa Capernaum upang pagalingin ang mamatay na niyang anak at
Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pwede ka nang umuwi. Magaling na ang anak mo.” Naniwala ang opisyal sa sinabi ni Jesus at umuwi siya. (Juan 4:50)
Nang makabalik siya sa kanila ay sinalubong siya ng kanyang mga alipin upang ibalita sa kanya na magaling na ang kanyang anak at gumaling ito agad sa mismong oras na sinabi ni Hesus na magaling na ito. Kaya naman ang kanilang buong pamilya ay sumampalataya kay Hesus.
Nawa ay magkaroon tayong lahat ng pananampalataya katulad ng sa opisyal na ito at ng mga nagtestimony sa Christian show na nabanggit ko. Di na sila nag "Weh hindi nga Lord gagaling ako?" Kung baga sa live selling ay mabilis na nilang pinaniwalaan or ni "mine" ang pangakong pagpapala ng Diyos kaya naman nakaranas sila ng mga kagila-gilalas na himala sa kanilang buhay.

Panalangin
Lord Jesus, patawarin Nyo po kami sa mga oras na nakakaramdam kami ng doubts sa mga ipinangako Niyo. Lord gusto ko pong iclaim ang mga pagpapala Nyo kaya ngayon pa lang po ay nagpapasalamat at nagpupuri na po ako sa Inyong dakilang katapatan.

Time with GodWhere stories live. Discover now