Bawal Judgemental

20 1 0
                                    

Sa social media at kahit sa mga simpleng mga usapan ay kaugalian na nating nga tao ang magturo.
Lagi nating sinasabi na siya ang may kasalanan... ay si ganyan masama ugali niyan.
Meron pa ngang yan ang dapat mong i bible study kasi di yan palasimba di yan nagdarasal at patapon buhay niya.
Mahilig tayong magjudge sa mga nakikita nating ginagawa ng ibang tao... ang tanong na judge nyo na ba ang inyong mga sarili? Marahil sasabihin mo ay di naman ako makasalanan, malapit ako kay Lord... pero ito ang sinabi ni Hesus sa mga Pariseo sa Juan 9:39-41
39  “Naparito ako sa mundo upang hatulan ang mga tao. Ang mga taong umaaming bulag sila sa katotohanan ay makakakita, ngunit ang mga nagsasabing hindi sila bulag sa katotohanan ay hindi makakakita.” 40 Narinig ito ng ilang Pariseong naroon, at nagtanong sila, “Sinasabi mo bang mga bulag din kami?” 41 Sumagot si Jesus, “Kung inaamin nʼyong mga bulag kayo sa katotohanan, wala sana kayong kasalanan. Ngunit dahil sinasabi ninyong hindi kayo bulag, nangangahulugan ito na may kasalanan pa rin kayo.”

Ano nabago na ba ang pag-iisip mo? Ayaw mong maging Pariseo ano? Inaamin mo na bang kahit ikaw ay isang makasalanan at bulag sa katotohanan?
Ang katotohanan ay lahat tayo nakakakilala ka man kay Kristo or hindi ay bulag tayo sa katotohanan dahil lahat tayo ay work in progress.
Walang Kristyano ang makakapagsasabing perfect kami dahil lahat tayo ay nagkakasala.
Kaya wag ka ng magturo kung sino ang makasalanan dahil pare parehas lang tayo. Ang pagtuturo mo sa iba ay infact kasalanan na dahil para ka ng nagmamalaki at nagjajajudge ng ibang tao.
Bilang Kristyano lagi mong tandaan bawal judgemental.

Panginoon

Lord God patawarin Nyo po kami sa mga times na nagiging feeling mabait kami. Lord nagpapasalamat po kami dahil ipinadadama Niyo po sa amin ang aming mga pagkukulang. Magpakumbaba po kaming hinihingi ng kapatawaran ang mga nagawa naming kasalanan at patawarin Niyo rin po kami kung nagiging judgemental kami sa ibang tao.

Time with GodWhere stories live. Discover now