Endorsement

28 1 0
                                    

Minsan nainvite ang aking kapatid na physical therapist sa isang church sa aming lugar sa Tondo upang ibahagi ang kanyang kaalam sa mga basic exercises at mga wastong pangangalaga sa ating katawan maslalo na sa mga senior citizens. Natapos ang seminar sa sa simbahan na yun ng maayos at marami namang natutunan ang mga taong nasa loob ng sambahan na iyon.
Naglalakad na kami ng kapatid ko upang umuwi nang may isang matandang lalaki ang tinawag ang kapatid ko. Isa siya sa mga nakikinig sa maiksing seminar na iyon at tinanong niya ang kapatid ko ng ganito, "Miss ano ang binebenta mo?"
Naguluhan kami ng kapatid ko sa tinanong sa kanya ng lalaki.
"May ineendorse (binebenta) ka bang gamot?"
"Wala po." Ang sagot namin.
Sinabi ng matanda na ung mga usually na nagpapaseminar ng libre tungkol sa kalusugan ay may gusto lang iendorse na gamot sa mga tao.
Sabi namin na ininivite ang kapatid ko ng church upang ishare ang kanyang mga napag aralan and "Para po kay Lord."
"Ah akala ko may inendorse kayo." At saka umalis na ang lalaki. 
Nakakalungkot na dahil sa marketing strategies ay naging ganon na ang pagiisip ng iba sa atin. Kaya nag pacharity event kasi may ineendorse... kaya nagpaseminar kasi may imamarket
Bilang Kristyano ang nais ng Panginoon sa atin ay ishare natin ang mga biyaya natin dahil mahal natin ang Diyos at mahal natin ang ibang tao.

Each of you should use whatever gift you have received to serve others, as faithful stewards of God’s grace in its various forms. 1 Peter 4:10

Panalangin
Panginoon marami pong salamat sa blessings, skills at talents na ibinigay Niyo po sa amin.
Lord gamitin Niyo po kami upang maging channel of blessings sa ibang tao sa pamamagitan ng pagsishare nito sa ibang tao dahil mahal po namin Kayo at mahal po namin sila.

Time with GodWhere stories live. Discover now