1/10 or 9/10?

5 1 1
                                    

Sa Lucas 17:11-19 ay may sampung lepers na pinagaling si Hesus, pero mula sa sampung ito ay isa lang ang bumalik upang magpuri at magpasalamat sa Kanya at partida Samaritano pa ang nag-iisang un. Halos lahat tayo ay may mga prayer requests na dininggin ng Panginoon, trabaho, safe na byahe, successful na plano, provision etc pero after nating matanggap ang mga "yes" ni Lord sa prayers natin ay lets analyze are we that one of ten na bumalik at nagpuri ng pasasalamat sa Diyos or we belong sa nine out of ten na after ma enjoy ang blessings ay kinalimutan na si God. Hindi man panay "yes" ang tugon ng Panginoon sa ating mga panalangin pero kung pananatiliin natin ang pusong mapagpasalamat ay mamimaintain natin ang joy, contentment at satisfaction sa buhay. Sabi nga ng ibang mental counselor, kapag malungkot ka ay ilista mo raw sa papel ang mga bagay na dapat mong ipagpasalamat. Ang having an attitude of gratitude ay nagbibigay din ng happy hormones sa atin makakatulong sa pagganda sa ating kalusugan. Kaya naman lets always remind ourselves to say "Thank You Lord"
Lucas 17:15-16
[15]At isa sa kanila, nang makita niyang siya'y gumaling, ay nagbalik, na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig;
[16]At siya'y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya: at siya'y isang Samaritano.

Panalangin

Lord thank You po sa lahat ng pagpapala at biyaya na binibigay Niyo po sa amin sa araw araw. Lord hinihiling po namin sa Inyo na bigyan mo kami lagi ng pusong mapagpasalamat sa Inyo at sa aming kapwa.

Time with GodWhere stories live. Discover now