Aminin Natin... Hindi Natin Kaya

19 1 3
                                    

Kamusta ka na? Kinakaya mo pa ba?
Nasa point ka na ba na parang ginawa mo na ang lahat pero it seems pointless.
Yung lahat na ng efforts mo ginawa na pero parang wala namang nangyayari...
Ang sakit di ba? Pero tinitiis mo ang sakit at pagod dahil sa pagkakaalam mo ganito ang buhay... tiisin mo lahat upang ikaw ay magtagumpay.
Pero friendship... aminin mo... gusto mo na ring sumigaw di ba? Pagod ka na rin? Hirap na ang puso't isipan mo isama na natin ang pisikal na katawan mo pati na rin ang bulsa mo.
Pagod na pagod ka ng malungkot, pagod na pagod ka ng umiyak, pagod na pagod ka ng humugot. Friend, aminin na natin ang totoo mong nararamdaman... magpakatotoo na tayo sa ating nga sarili... sabihin na natin na "Hindi natin kaya."
Aminin na natin ito dahil nakaabang na si Jesus Christ sayo na parang 911 upang saklolohan ka.
Sa mga pagkakataong ito di kailangan ni Jesus ang human efforts mo... ang kailangan Niya maniwala ka at magtiwala sa Kanya. Nakakatakot ka ba? Oo, ramdam kita... natatakot ka dahil naniniwala ka pa rin sa kakayahan mo... pero this time... maniwala ka sa kakayahan ng Diyos. Di hamak naman na walang imposible sa Diyos hindi ba?
Kapag nasa rurok ka na ng kalungkutan at tila ba gusto mo ng sumuko... magalak ka... kasi si Lord ng ang kikilos para sayo... Siya na ang lalaban para sayo.
Umamin na tayo... kailangan na natin si Hesus... manalangin tayo at humingi ng patnubay sa Kanya at ituturo Niya sa atin kung ano ang dapat gawin.
Wag matakot na magtiwala sa Kanya.

Apart from God, we can do nothing

Juan 15:5
[5]Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.

Panalangin

Lord Jesus gusto na po naming maging honest sa Inyo, hindi na po namin kaya. Nahihirapan na po at nalulungkot ang mga puso't isipan namin at Kayo na po ang kailangan namin. Lord patawarin Niyo po kami kung patuloy pa rin kaming umaasa sa kakayahan namin pero this time Lord kailangan ka na talaga namin . Kailangan na naming magrely sa Iyo at makinig sa pag uutos mo. Natatakot man kami Lord pero patuloy pa rin kaming maniniwala at magtitiwala Sa'yo.

Time with GodWhere stories live. Discover now