Parent's Dream

3 0 0
                                    

May Ganito bang pangarap ang mga magulang mo:
"Anak hindi kami nakatapos ng pag-aaral kaya mag-aral kang mabuti at wag tumulad sa amin."
"Anak dahil sa kahirapan kaya hindi ako nakapagDoctor / Lawyer kaya anak nawa ikaw ang makapagtupad ng pangarap kong iyon."
"Anak ikaw ang magpatuloy ng aking sinumulan."
"Anak hindi ko naranasan ang ganitong matiwasay na buhay noong araw kaya gusto ko maranasan mo."

Parents have many dreams at habilin to their children. Usually ung mga frustration dreams nila nong araw ay gusto nilang makamit ng mga anak nila.
King David has a dream... pangarap niyang makapagbuild ng napakagandang templo para kay Yahweh but God told Him that because of wars and he killed many lives ay ang makakatupad ng dream niya na ito ay ang anak niyang si Solomon because God will bring peace in Israel during his son's leadership. Kaya kahit na ang bata pa ni Solomon ay pinaghandaan ni David ang pagsisimula ng templo para ituloy ito ng kanyang anak.
Pero hindi lang ang templo ang ibinilin ni King David kay Solomon. He also said  to his son in I Mga Cronica 28:9
[9]At ikaw, Solomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.

Hindi lang ang temple at ang kingdom ang pinass on niya kay Solomon but also his faith to the Father.
Parents and guardians have many beautiful dreams to their children kaya naman nagsusumikap sila sa pagtratrabaho para sa kinabukasan ng kanilang mga anak pero gusto ng Ating Ama na nasa langit na hindi lang mga career at material dreams ang ihabilin nyo sa inyong mga anak but also the Christian values and our love for Jesus. Na nawa sa kanilang paglaki hanggang sa pagtanda ng mga kabataang ito ay dala-dala pa rin nila sa kanilang mga puso ang mga katuruan at salita ng Diyos at mamuhay silang may takot, may katapatan at may pagkilala sa ating Panginoon.

Panalangin
Lord itinataas po namin sa Inyo ang aming mga anak at ang young generations. Lord lumaki nawa silang may katapatan, takot, pagkilala at pagmamahal sa Inyo. Lord help us also to share Your values and Your words to them upang madala nila ito hanggang sa kanilang paglaki.

Time with GodWhere stories live. Discover now