Promised Toy

19 1 0
                                    

Nong nagkasakit ang pamangkin ko ay nangako ako na ibibili ko siya ng matagal niya ng hinihiling na laruan basta gumaling siya. Its been few months na ng gumaling ang pamangkin ko kinukulit pa rin niya sa akin ung laruan na yun pero di pa rin namin magawang bilhin dahil napakamahal ng pagkaliit liit na laruan na iyon. Sinabi na lang namin sa kanya na maghintay na lang kami ng sale, nagsale nga siya sa mga shopping app pero nasa wishlist naman (out of stock)
Hanggang sa nakita kong muli ang laruan na yun sa isang shopping app na mas mura kesa sa regular price nya sa mga mall pero sa totoo lang nakakahinayang pa rin bilhin sa mahal. Pero promise is a promise kaya napa checkout na lang ako sa laruan na yun kahit ang bigat niya bulsa.
Naranasan mo na ba ito? Ung may ipinangako kapag ganito ang nangyari at nong nangyari nga ay mapapakamot ka na lang ulo at masasabi mo bakit ko pa naipangako yun?
Ibahin niyo si Hanna sa 1 Samuel 1:11 ay humiling siya sa Panginoon na bigyan ng anak at ipinangako niya na iaalay niya ang kanyang nag iisang anak sa Panginoon. Inihandog niya ang nag iisang anak niyang si Samuel upang magsilbi sa Diyos buong buhay niya.
Mabigat sa isang ina di ba?
I just imagine napakacute na baby, gusto mong ikaw ang mag aruga at magpalaki sa anak mo pero kailangan mong pakawalan dahil nangako ka sa Panginoon na ibibigay mo ito sa Kanya.
Yun bang hiningi mo nga siya sa Diyos pero pinangako mong ibabalik mo rin agad ng buong puso.
Pero napakafaithful talaga ni Hanna, pinuri niya ang Diyos at tinupad niya ang kanyang pangako, nagsilbi nga si Samuel sa Panginoon at taun taon ay ginagawan pa niya ng balabal si Samuel   para sa susuotin nito sa kanyang paglilingkod.
Kaya naman kinahabagan siya ng Diyos at binayayaan pa hindi lang ng isa kundi lima pang anak.
Kayo rin pa ay may ipinangako sa Diyos? Nawa ay maging tapat kayo sa ipinangako Niyo sa Kanya kahit na gaano kahirap ito.

 20 Doon, binabasbasan ni Eli si Elkana at ang kanyang asawa. Sinasabi niya kay Elkana, “Sanaʼy bigyan ka ng Panginoon ng mga anak sa babaeng ito kapalit ng kanyang hiningi at inihandog sa Panginoon.” Pagkatapos, umuwi na sila.

21 Kinahabagan ng Panginoon si Hanna. Nagkaanak pa siya ng tatlong lalaki at dalawang babae, habang si Samuel ay patuloy na lumalaking naglilingkod sa Panginoon.

1 Samuel 2:20-21

Panginoon:

Lord salamat po sa mga answered prayers at mga biyayang ibinigay Niyo po sa amin.

Lord tulungan Niyo po kaming maging tapat sa Inyo at tuparin ang mga pinangako namin sa Inyo.

Time with GodWhere stories live. Discover now