Pala hanap ka ba ng kakampi?

3 0 0
                                    

Laging payo sa atin na kapag may sama ka ng loob sa iyong kapwa ay iyo itong ilabas upang lumuwag ang kung ano mang nilalaman ng iyong damdamin.
Pero kung ang paglabas mo ng sama ng loob ay sa ibang tao mo inilalabas at hindi sa taong kinasasamaan ng loob ay ibang usapan na yan. Para ka ng naghahanap ng kakampi at parang sinisiraan mo na nyan ang ibang tao.
Kadalasan ang paglabas natin ng sama ng loob sa isang tao kesa peace sa heart ang maging bunga niyan ay napupunta sa gossiping.
Instead of maging peace maker mas nagiging pang trouble maker.
Kaya maghinayhinay dapat sa paglabas ng hinaing sa ibang tao... mas maganda kung sa taong may sama ka ng loob maglabas ka ng saloobin upang inyong maayos ang mga issues na hindi nyo napagkasunduan.
Kumalma tayo sa pagkuwento sa ibang tao at iwasang makapanira pa ng ibang tao. Wag tayong maging palahanap ng kakampi sa atin bagkus ang hanapin ay ung magtutulay sa atin upang maayos ang mga naging hidwaan natin sa ibang tao

15 Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasamâ ang iba.
Mga Hebreo 12:15

Panalangin
Lord sorry po dahil po sa nadadala kami sa sama ng loob namin sa aming kapwa ay nakikiwento po namin un sa ibang tao na nagiging dahilan upang makapanira kami ng aming kapwa. Lord tulungan Niyo po kaming maging matalino sa aming mga sasabihin at ikinikilos at lagi po nawa namin piliin ang kapayapaan.

Time with GodWhere stories live. Discover now