Paano ka Makiusap o Magreklamo?

5 0 0
                                    

Naalala ko ung sinabi sa akin noon ng professor ko noong college na mas na aapreciate nya ung nga estudyanteng nakikiusap sa kanya kesa ang mga estudyanteng nagrereklamo sa grades nila.
People often complain at meron tayong pinaniniwalaan na ang paninindak at pananakot ay mga mabisang paraan para makuha natin ang ating nais, at aminin natin may times na kahit sa Panginoon ay ganyan tayo makipag-usap sa Kanya.
Andyan ung mga dialogue na "Hindi namin deserve ito!" "Unfair ka!" "Bakit mo ito ginagawa sa amin?!"

We have the right to complain un nga lang hindi natin napapansin ang freedom natin to complain ay naglilead na sa anger, sa protest, sa chaos, rebellion at ninanakaw nito ang joy at peace na binibigay ng buong puso ng Panginoon sa atin.

Ang sabi sa Kawikaan 25:15
Sa malumanay na pakiusap pusong bato'y nababagbag, sa pagtitiyaga pati hari ay nahihikayat.

Madalas ang mga bagay ay hindi na dadaan sa mapagmataas na boses, malakas na dating o pananakot sa kapwa na tila may halong pagmamalaki. Ang kalugod lugod sa Diyos ay makiusap tayo ng mahinahon o magmakaawa ng may kababaang loob kung kinakailangan.
Lets humble ourselves and dont give up!

Panalangin

Lord patawarin Niyo po kami dahil madalas ay nagiging reklamador kami at mapagmalaki sa Inyo at sa aming kapwa. Lord Jesus, dalangin po namin na ituro Niyo po sa amin kung paano magkaroon ng pusong nagpakumbaba at mapagpasensya.

Time with GodDonde viven las historias. Descúbrelo ahora