Kanino ka Magtitiwala?

6 0 0
                                    

May isa akong kakilala na tila stress na stress na at di na mapalagay sa kabi kabilang tawag sa kanya ng mga maniningil ng utang. Nagtataka naman ako kung bakit ang dami niyang problema sa buhay, kung pagbabasehan ko ang kanyang estado sa buhay ay tila dapat ay wala siyang pinoproblema sa financial kaya natanong ko tuloy sa kanya paano siya nagkaroon ng ganon kadaming utang at ito ang sagot niya sa akin, "Masyado kasi akong mabait na kaibigan. Masyado akong nagtitiwala sa kanila."
Marahil ikaw din ay may experience na rin na ikaw ay nagtiwala sa isang tao pero ikaw ay binigo nito. Ung iba nga may promissory note na pero pinagtataguan ka pa rin.
Sa pag-ibig, pwedeng napangakuan ka ng ex mo ng forever pero nawala na lang siya ng parang bula.
Sa pulitika, madaming mga pulitiko ang madaming pinangako para sa ating bayan pero after years ng nakaupo siya sa pwesto ay nganga ka pa rin sa kakahanap sa mga pinangako niya.
Sabi sa Jeremias 17:5
[5]Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.

Sa pahayag na ito ng ating Panginoon kay Jeremiah ay sinasabi nya na wag tayong dumipende sa tao, wag nating irely ang ating happiness, needs, at maging dependent sa kapwa natin tao.
Lagi po natin tandaan, human might leave us, human might betray us, human can break their promises, human can make us disappointed intentionally and unintentionally.

Jeremias 17:7-8
[7]Mapalad ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang Panginoon.
[8]Sapagka't siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa tabi ng tubig, at naguugat sa tabi ng ilog, at hindi matatakot pagka ang init ay dumarating, kundi ang kaniyang dahon ay magiging sariwa; at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyu, o maglilikat man ng pagbubunga.

We should be Lord dependent and not human dependent. We should please the Lord at wag po tayong maging palaging people pleaser. Ang nagiging problema kasi sa sobrang nakadepende tayo sa ating kapwa tao ay nasasamba at nagiging Diyos na natin sila, and that is idolatry. We are unaware na nabibreak na natin ang kautusan ng Diyos dahil sa ibang tao.
Hindi naman sinasabi ng Diyos na totally wag na tayong magtiwala sa ibang tao... importante pa rin naman ang may kaibigan at kapamilya kang mapagkakatiwalaan pero lagi po nating isipin Jesus Christ is our only Lord. Siya lang po ang ating pag-asa at ang ating tanging daan kaya nararapat lang po na Siya ang lagi nating uunahin sa ating buhay upang magabayan Niya tayo sa ating mga gagawin at desisyon sa buhay.

Panalangin

Lord, patawarin Niyo po kami sa mga panahon na kesa we seek for Your will ay mas pinili naming bigyan ng atensyon ay ang mga advise ng kapwa namin tao na against sa will Niyo. Lord forgive us kung masyado na naming dinedepende ang buhay namin sa ibang tao at ginagawa na namin silang aming mundo. Lord lagi Niyo pong ipaalala sa amin na Kayo lang po ang aming sasambahin, pagkatiwalaan at susundin. Lord lagi po Kayong manguna sa aming buhay.

Time with GodWhere stories live. Discover now