Mura or Stroke

29 2 0
                                    

Sa isang variety show ay napanood ko ang isang mag ina kung saan ay nakikiusap ang kanyang anak na wag sanang magmura ang kanyang ina kapag nagagalit maslalo na't naririnig siya ng mga apo nito. Dumepensa naman ang ina sa kanyang anak na hayaan na lang siyang magmura ng magmura  dahil don siya nakapaglalabas ng kanyang damdamin niya kesa naman magkimkim siya ng galit at ma stroke pa. Siyempre kung ikaw naman yung anak ay mapapasabi ka na nga lang "Sige na nga Ma, kesa naman ma stroke ka pa." Matatawa ka na lang pero andon pa rin ang pag papaalala ng mga nasa show na iyon sa ina na baguhin ang ganong ugali maslalo na't may epekto na pala sa kanyang mga anak at apo ang pagmumura niya kahit na parang sa kanya ay parang wala lang ito at pwede ka na nga namang magburst out ng iyong damdamin ng di gumagamit ng masasamang salita.
Marahil ang iba sa atin ay natural na sa atin ang pagmumura... kasama na siya sa ating pagsasalita at pagiisip sa kahit anu mang emosyon natin... galit man or sa katuwaan lang or wala lang.
Pero ang sabi sa  Ephesians 4:29 Do not let any unwholesome talk come out of your mouths, but only what is helpful for building others up according to their needs, that it may benefit those who listen.
Sa bawat pagbuka ng bibig natin ay maging conscious tayo sa bawat salitang sasabihin natin kung iyon ba ay nakakabuti or nakakasama sa nakakarinig.
Kahit ang inyong lingkod ay guilty rin sa mga bagay na yan... ang hirap kasi kung pati sa iyong pag iisip ay na eentertain mo ang mga bad words..  lumalabas pa rin iyon sa iyong bibig kahit di mo gustuhin. Sa pagkakataon na ito ay sabay sabay nating ipanalangin sa Panginoon na kasabay ng ating puso ay baguhin din Niya pati ang mga di magagandang salita na lumalabas sa ating bibig.

Panalangin:

Panginoon Diyos... inaamin po namin ang pagbabago ay di po namin kakayaning mag isa. Lord tulungan Niyo po kami baguhin hindi lang ang aming mga puso pati na rin ang way ng aming pagsasalita. Unti unti niyo pong alisin ang mga bad words na nakasanayan na naming sambitin hindi lang sa aming bibig kundi na rin sa aming pagiisip. Tulungan Niyo po kaming gumamit ng mga salitang nakakaencourage sa aming kapwa at nakakapagpadala ng positive at good vibes sa kanila. Salamat po Panginoon sa pagtiya tiyaga Niyo po sa amin.

Time with GodМесто, где живут истории. Откройте их для себя