Nasa Langit Ang Diyos

35 1 0
                                    

"Nasa langit ang Diyos... maaayos ang lahat sa mundo." Pumukaw sa akin ang pinakahuling dialogue na ito sa tagalized version ng anime na Anne of Green Gables.
Sa mga huling episodes kasi ng palabas na ito ay madaming pinagdadaanan si Anne Shirley... ung tipong maaabot na sana niya ang mga pangarap niya ng maging scholar siya sa Richmond pero sa pagbabalik niya sa Avonlea ay andon ang pagkamatay ng tatay-tatayan niya na si Matthew, unti unting pagkabulag ng nanay nanayan niya na si Marilla, ang nararanasan nilang bankruptcy sa pamilya at yung pagpili niya na magstay at mag aral na lang sa Avonlea kesa ituloy ang scholarship upang samahan si Marilla at hindi maibenta ang Green Gables.
Naaawa man sa kanya at nanghinayang ang mga kaibigan nila sa mga nangyari at naging desisyon ni Anne ay nanatiling pa rin itong positibo dahil una ay mahal na mahal niya ang mga itinuring niyang magulang at nagpapasalamat siya sa Diyos dahil napakaswerte niya dahil kinupkop siya ng mga ito at tinulungan siyang tuparin ang mga pangarap niya na dati rati ay nasa imahinasyon niya lamang.  Naniniwala pa rin siya at nagtitiwala ipagkakaloloob pa rin ng Diyos ang mga pangarap niya kahit na hindi siya nakapag aral sa magandang university dahil piniling niyang samahan si Marilla sa Avonlea.
Kung ikaw man na nagbabasa nito ay katulad din ni Anne Shirley na nanatiling positibo, may tiwala at mapagpasalamat sa Diyos sa kabila ng mga kabi kabilang mga pagsugbok.... gusto kong malaman mo na hanga ako sayo! Dinadalangin ko sa mga oras na ito na biyayaan ka at ang iyong sambahayan ng madaming pagpapala at nawa marami ring sanang tulad mo nanatiling positibo, puno ng pag asa at mapagpasalamat sa Maykapal.

Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus.

Philippians 4:6-7

Panalangin:

Panginoon tulungan Niyo po kaming maging katulad ng ibang anak Ninyo nananatiling positibo, may tiwala at mapagpasalamat sa Inyo sa kabila ng mga pagsubok nila sa buhay.

Time with GodOnde histórias criam vida. Descubra agora