One Suscriber

4 1 1
                                    

May  isang bata ang nagtrending dahil gumawa siya ng improvised na mini cake with candle to say thanks sa nag-iisa niyang suscriber sa kanyang Youtube Channel. Maraming netizens ang natuwa sa pagiging mapagpasalamat ng nasabing bata kahit iisa lang ang suscriber nya kaya naman mula sa iisa ay dumami na ang nag suscribe sa channel nya.
Noong nagtanong si Hesus sa kanyang mga alagad kung anong pwedeng ipakain sa limang libong lalaking nakikinig sa Kanyang mga turo ay sinabi ng Kanyang mga alagad na ang mayron lang sila ang limang tinapay at dalawang isda. Obviously hindi enough ang mga ito to feed thousands of people but Jesus Christ bless these foods and say thanks to the Father: Lukas 9:16 Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ang tinapay at ibinigay sa mga tagasunod niya upang ipamigay sa mga tao.
And miracle happened next... napakain ang libo libong tao at may 12 baskets na sumobra.

Like what the kid and Jesus did, lets always give thanks kahit sa maliit na bagay na natatanggap natin mula sa Diyos. Kahit mukha pa itong kulang or kahit na this is so little for the Lord loves a joyful and grateful heart. Lets always be thankful even in little things.

Panalangin

Lord hinihingi po namin ng kapatawaran sa Inyo ung mga times na kesa magpasalamat kami sa Inyo ay nagrereklamo pa po kami sa mga biyayang natatanggap namin. Sorry po sa pusong hindi po marunong makuntento. Lord maraming salamat po sa mga maliliit at malalaki na biyaya na binibigay Niyo po sa amin.

Time with GodWhere stories live. Discover now