Lecture Hall of Tyranny

6 1 0
                                    

Sinasabi na naging effective ang strategy ni St Paul ng siya ay mangaral ng tungkol kay Kristo sa Lecture Hall of Tyranny dahil for two years ay madaming mga pagano na hindi kilala si Hesus ang nakakilala sa Kanya.
Masasabi rin natin na blessing in disguise din ang pag alis ni St Paul at ng mga followers nya sa mga sambahan ng mga panahon na iyon dahil sa eskwelahang ito ay madami siyang nahimok na tanggapin ang tunay na Diyos sa kanilang buhay.

9 Ngunit may ilan sa kanila na nagmatigas at ayaw sumampalataya, at nagsalita pa ng masama laban sa Daan sa harap ng kapulungan. Kaya't iniwan ni Pablo ang sinagoga kasama ang mga mananampalataya at nagpatuloy ng kanyang pangangaral araw araw sa bulwagan ni Tirano.
10 Tumagal siya roon nang dalawang taon, kaya't ang lahat ng naninirahan sa Asia, maging Judio o Griego ay nakarinig ng salita ng Panginoon. -Gawa 19:9-10

Nitong nakaraang dalawang taon ay naging mahirap sa ating mga nanampalataya ang makapagmisa or makasamba sa ating mga pisikal na simbahan. Pero katulad ng ginawa ng Diyos kay St Paul, hindi Niya ginawang hadlang ang COVId19 upang hindi tayo makapakinig sa Kanyang mga Salita. Salamat sa Internet, sa mga social media platforms dahil tayo ay patuloy pa ring lumalago kay Kristo dahil sa mga ito. At dahil din worldwide ang Internet, madami din tayong mga kababayan abroad ang napakinig din ng mga Salita ng Diyos sa ating bansa at ung iba ay mga foreigners pa.
Kaya naman bilang Kristyano ay nawa ay gamitin natin ang ating nga social media accounts upang maging kaluguran tayo ng Diyos. Lets share His words in the world wide web.

Panalangin
Lord, thank You po dahil hindi Niyo hinayaan ang mga quarantines at lockdowns na maging hadlang upang manghina ang relasyon namin sa Inyo. Salamat po sa technology dahil alam po namin na mas malayo pa po ang narating ng Inyong mga Salita dahil dito. Lord tulungan Niyo po kaming maging responsableng Kristyano sa mga ipopost po namin sa social media.

Time with GodWhere stories live. Discover now