How to Get Notice by your Idol

2 0 0
                                    

May isang tiktok video akong napanood kung saan ang isang fanboy ay nanonood ng live concert ng paborito niyang Kpop girl group. Sa video ay sinabi niya kung paano ma get notice ng super crush niya na Kpop member. Andyan ung pagtili, pagsigaw ng pangalan nito, pagwagayway ng dala niyang lightstick and the result... inassume na lang niya na sa kanya nagflying kiss ang ultimate kpop idol niya.

Sa Bible ay masasabing mala fanboy din si Zaccheus ni Jesus Christ. Kahit na kulang siya sa height ay gumawa pa rin siya ng paraan upang makita at mapakinggan ang kanyang ultimate idol. He climbed in a Sichomore tree para matanaw si Jesus.
And yes he did it! Jesus Christ saw him at hindi lang assumption yun ah, He called him by his name at nagsabi pa na tutuloy Siya sa bahay ni Zaccheus. Saan ka pa? Si Zaccheus na ata ang masasabi nating maswerteng fanboy ever! #sanaall di ba?
Sa sobrang overwhelmed at saya ni Zaccheus dahil sa sinabi ni Jesus Christ he decided to share his properties to the poor at hindi pa yan, ung mga nabudol niya noon sa tax collection... ibabalik pa niya ng 4 times! Ganon siya kainlove kay Jesus that he is willing to follow Him.

We are always saying we love Jesus... pero lets check ourselves do we have this desire in our heart to get to know Him better... may hunger ba tayo sa mga words Niya? Do we have a quiet them in devotions and prayers? Do we talked to Him palagi?  Do we share His love to other people?
Lets always pray to God na mapalalim pa ang relasyon natin sa Kanya.

Lucas 19:5-6
[5]At nang dumating si Jesus sa dakong yaon, ay siya'y tumingala, at sinabi sa kaniya, Zaqueo, magmadali ka, at bumaba ka; sapagka't ngayo'y kinakailangang ako'y tumuloy sa bahay mo.
[6]At siya'y nagmadali, at bumaba, at tinanggap siyang may tuwa.

Panalangin

Lord Jesus, I love You and I want to be like You. Pls help me to grow in You nais pa kitang makilala at tulungan Niyo rin po ako na maishare ang pag ibig mo sa ibang tao

Time with GodDonde viven las historias. Descúbrelo ahora