Make Jesus Happy

10 1 0
                                    

Sa isang bible study ay tinanong ko ang mga batang 4-6 years old ng ganito. Kung aatend ka ng birth day ni Jesus anong gift mo? Sumagot ang pamangkin kong lalaki na baby mat, dahil gabi na raw para mahigaan ni baby Jesus habang nag iisleep siya. Milk naman ang sagot ng isa ko pang pamangkin na lalaki dahil pagkain un ng baby. Natawa naman ako sa sagot ng pamangkin kong babae dahil ang ibibigay nya raw kay Jesus ay doll.
Natutuwa ako sa mga mabibilis na sagot ng tatlong batang ito... mas mabilis ang mga kasagutan nila kesa sa aming matatanda na ilang gabi din pinag isipan kung anong ibibigay kay Jesus dahil mahirap bigyan ang taong alam  mong nasa Kanya na ang lahat.
Rethinking sa sinagot ng pamangkin kong babae na doll ang ibibigay niya kay baby Jesus ay na realize ko na malalim din ang ibig sabihin ng sagot niya. Sobrang hilig ng mga batang babae sa dolls, infact girls are collecting dolls because it makes them happy at ang pagbibigay ng doll kay baby Jesus makes me realize na gusto rin niyang maging happy si Jesus kung paano siya napapasaya ng mga dolls niya.
Naisip din ba natin na pasayahin si Jesus Christ katulad ng naiisip ng mga batang ito?
Take delight in the Lord  and He will give You the desires of your heart Psalm 37:4

Sa totoo lang napakagalante ni God kapag napasaya mo Siya... He will give You your desires. Saan ka pa di ba?
Tayo ay magmuni-muni, napapasaya ba natin si Lord sa ating mga ginagawa at iniisip? Do we please Him?
Lets please the Lord by having more time with Him, always pray and talk to Him, i surrender natin ang bawat araw natin sa Kanya at lets be more close to Him by reading and medidating the bible. Dahil kapag tayo ay nagmamahal gusto natin lagi siyang mapasaya... kaya make Jesus happy!

Panalangin
Lord Jesus, I want to make You happy kaya I surrender my life to You, I want to have more time with and I want to know You more. Lord ang wish ko, sana po ay araw araw ay napapaligaya Kita.

Time with GodWhere stories live. Discover now