Tik toker Ka ba?

22 1 2
                                    

Noong 2020 maraming mga taong nalungkot dahil hindi sila makalabas dahil sa pandemic. Kahit ang inyong lingkod ay nakaranas din ng ilang araw na kalungkutan dahil sa lockdown, being alone for a few days na walang ginagawa ay talagang nakakalumbay. Iniisip ko ang aking pamilyang malayo sa akin, ang aking trabaho na mukhang napepending na dahil ilang araw din akong di nakapasok.
Madaming mga Pinoy ang nakaranas ng ganito noong isang taon... at isang socmed app ang biglang sumikat upang magbigay kasiyahan habang nalulungkot ang mundo dahil sa pandemic... at ito ay ang Tiktok.
Naging Tiktoker ka rin ba? Nakailang challenge ka ba na inupload mo sa Tiktok mo, ilang filters at effects na rin po ang nagamit mo upang makapagbigay aliw sa mga ibang tao sa gitna ng nakakalungkot na sitwasyon ng mundo. Tinawag nga nila noon na stress reliever ang Tiktok dahil sa masasaya at nakakaaliw na challenges na pinapasikat ng mga sikat na Tiktokers.

Ang sabi sa Tesalonica 5:16-18 Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Nagpapasalamat ako sa Diyos na nadiscover ang Tiktok ng mga panahon na kailangan ng kaaliwan ng mga tao. Marami naman talagang Tiktokers ang talagang nagpangiti at nagpakumpleto ng araw natin sa kabila ng mga malukungkot na balita sa news.
Nais ng Panginoon na bilang Kristyano ay lagi nating piliin na maging masaya na may kasamang panalangin at pasasalamat sa Diyos.
Kaya ikaw... be happy!

Panalangin:
Salamat Panginoon dahil niloob Ninyo ang aming mga puso na maging masaya sa kabila ng mga negatibong bagay sa aming paligid. Salamat po sa mga kaaliwan na binibigay Niyo po sa amin sa araw araw. Dalangin po namin na tulungan Niyo rin po kaming maging source din po ng happiness ng ibang tao.

Time with GodWhere stories live. Discover now