HOARDING

2 1 1
                                    

Noong 2020 ay madaming nagpanic sa lockdown kaya naman sobrang haba ng pila sa mga groceries at halos walang laman na ang mga shelves ng mga ito. Naalala ko pa nga noong March 2020 tagal kong nakapila sa cashier ng grocery dahil ung mga nasa unahan ko ay panay punong puno at umaapaw ang laman ng mga shopping cart nila... daig pa nila ang may mga sari sari store. Sa Amerika, dahil sa panic ay nagkaubusan na sa kanila ng tissues sa grocery at ung iba ay nag-aaway na dahil sa supply ng tissues, dito naman sa ating bansa that time nagkakaubusan naman ng alcohol, kahit pa sinabi ng mga manufacturers na di natin kailangan maghoard ng alcohol dahil enough ang supply natin nito ay patuloy pa rin sa pagbili ng madamihan ang mga tao kaya napaka bilis maubos ng alcohol noon dahil sa hoarding, buti na lang nagkaroon ng rule noon na may limit na bawat isang consumer sa pagbili ng alcohol  Noong time na iyon kahit sobrang mahal ng isang box ng surgical face mask kung may pera ka ay bibili ka na ng madami nito... tapos hindi pa nauubos ung isang box nila ng masks ay biglang bagsak ang presyuhan ng face masks kaya naman madami rin ang nagregret sa pagbili nila ng madami at mahal na presyo ng face masks. Kung alam lang talaga natin...
Ang hoarding ay sabihin natin isang uri ng selfishness... you always want to save yourself and to your loved ones kaya naghohoard ka at ang nangyayari ay wala ng natitira sa iba pang nangangailangan.
Ang mga pangyayari na hoarding noong 2020 ay katulad ng nangyari noon sa aklat ng Exodus. When the Lord gave them foods kahit ibinilin na ng Diyos ng kumuha lang ng sapat sa kanilang mga pangangailangan hindi nila ito sinunod, nagtago sila ng madaming pagkain to save them for the next days at anong nangyari... nasira din agad ang mga nakuha nila.
These stories are teaching us na wag tayong selfish and obey God. Maging concern din tayo sa ibang tao at hindi ung puro sarili ang ating iniisip at lagi nating isipin ito... God will always provides... kaya no need to hoard. Lets put our faith and our confidence to Him and not to any material things.

Exodo 16:16
[16]Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, Pumulot ang bawa't tao ayon sa kaniyang kain; isang omer sa bawa't ulo, ayon sa bilang ng inyong mga tao, ang kukunin ng bawa't tao para sa mga nasa kaniyang tolda.

Panalangin

Ama namin, patawarin Niyo po kami dahil may mga sitwasyon na nagpapanic kami at ang naiisip lang namin ay ang kalagayan namin at ng aming mga mahal sa buhay at di na namin naisip ang kalagayan at pangangailangan ng ibang tao. Lord teach us to rebuke the selfishness in our hearts at lagi Niyong ipaalala sa amin na sa anumang sitwasyon we have to put our confidence and trust in You because You are our Great Provider.

Time with GodWhere stories live. Discover now