Be At Peace

10 0 0
                                    

Saan ba nakukuha ang kapayapaan ng puso?
Sabi nila makukuha mo ang kapayapaan ng iyong puso kapag nilalabas mo ang iyong sama ng loob pero wait ah... baka magpost sa social media account mo, lusubin ang tao kung saan ka may sama ng loob ito muna ang tanong... maglalabas ka kanino?
Malinaw na sinabi sa
Mga Taga-Filipos 4:6-7
[6]Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
[7]At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Kay Lord po natin muna sabihin, kay Lord po muna natin iiyak, kay Lord po muna natin isigaw dahil sa kanya manggaling ang kapayapaan.
Per my experience, whenever I cry out to God, iiyak lang ako ng iiyak at magsusumbong ng magsusumbong sa Kanya hanggang sa makatulog ako at sa aking paggising doon siya mangungusap sa akin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita.
Alam ko karamihan sa atin ay may pinagdadanang di magaganda na hindi natin maalis sa ating isipan, sa tuwing maaalala natin ito ang nais ng Diyos ay manalangin tayo sa Kanya. Kay Lord lang natin makikita ang kapayapaan na hinahanap natin kaya huwag ka ng maghanap ng iba pang techniques.
Be at Peace thru Prayers!

Panalangin

Panginoon, salamat po sa peace at comfort na pinadadama Nyo sa amin sa tuwing dumadaan kami sa mga pagsubok sa aming buhay. Lord dalangin ko po sa araw araw na ibagkaloob Nyo po sa amin ang joy at peace na nanggagaling sa Inyo.

Time with GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon