Kung Sumunod ka lang...

9 0 0
                                    

May binili kaming laruan sa aking pamangkin na talagang gustong gusto niya at matagal niya ng hinihiling sa amin. Ngunit kesa ibigay namin ito agad ay tinago namin ito at sinabihan siyang ibibigay namin ang laruan na gusto niya kapag nag-study siya sa buong linggo.
Pero tila di siya naniniwala sa amin ang nanindigan na wag siyang mag-aral. Dahil sa sabik na rin kaming ibigay sa kanya ang laruan pero nanaig pa rin sa amin na gusto namin siyang disiplinahin ay sinabi namin na mag-aral lang siya ay ibibigay namin ang laruan na gusto niya. Sinabi rin namin na di kami nagbibiro dahil nabili na namin ang laruan. Pero di pa rin siya naniwala sa amin at inaayawan pa rin niya ng pag -aaral. Sinabi namin sa kanya na kung sumunod ka lang sa amin at nag-aral ka matagal na sana niyang tinanggap ang laruan at inienjoy na sana niya ito.
Dahil mukhang di talaga siya naniniwala ay napilitan na kaming ipasilip ang laruan. Namangha siya ng makita niya ito at sinabi namin sa kanya na di niya ito makukuha hanggat di siya nag aaral. Sa kagustuhan niyang makuha na ang laruan ay sumunod na siya sa amin.
Di tayo nalalayo sa attitude ng bata kong pamangkin, may gustong-gusto tayong makuha pero dahil sa ayaw nating sumunod kay Kristo ay di natin makuha kuha ito.
Sabi nga sa Isaias 48: 17“Sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas, ang Banal na Dios ng Israel: Ako ang Panginoon na inyong Dios na nagturo sa inyo kung ano ang mabuti para sa inyo at ako ang pumatnubay sa inyo sa tamang daan. 18 Kung kayo lamang ay sumunod sa aking mga utos, dumaloy sana na parang ilog ang mga pagpapala sa inyo, at ang inyong  tagumpay: o, katuwiran. ay sunud-sunod sana na parang alon na dumarating sa dalampasigan. 

Simple lang ang mensahe ng Panginoon, tayo ay sumunod sa Kanyang mga kautusan upang tayo ay magtagumpay at pagpalain. Mahirap minsan dahil hindi kapanipaniwala ang mga inuutos niya sa atin ngunit kung tayo ang nanampalataya at nagtitiwala sa Kanya asahan nating makakaya natin.

Panalangin
Lord Jesus, inaamin po namin, nahihirapan po kaming sumunod sa Inyo. Patawarin Niyo po kami sa katigasan ng aming ulo at puso. Lord dalangin namin na ay tulungan Niyo po kaming sumunod sa Inyo.

Time with GodМесто, где живут истории. Откройте их для себя