Overflow

10 1 1
                                    

Biglaang nawalan sa amin ng tubig at nang chineck ko kung gaano kadami ang tubig sa drum namin ito ay eksaktong isang timba. Hindi ko alam kung kakasya ang tubig na iyon sa aking paliligo kinabukasan samahan pa ang pagkalam ng aking tiyan. Ang sabi sa advisory ay 6AM pa magkakaroon ng tubig, dapat sa ganong oras ay tapos na akong maligo dahil kung hindi ay mali-late ako sa trabaho.
Problemado sa pag-iisip sa tubig ay inalala ko na lang ang mga istorya sa biblia kung saan ang Diyos ay nagoverflow ng supply ng langis sa isang biyuda at kung saan si Hesus ay nagoverflow ng alak sa kasalan sa Cana.   Kaya sabi ko kay God, alam ko mag-ooverflow din ng tubig sa paggising ko.
Sa aking paggising ay nagtungo na agad ako sa aming banyo upang tignan ang laman ng drum at nakita ko, nag-ooverflow nga ng tubig sa drum namin.
Ito ay simpleng senaryo lamang kung paano nag-ooverflow ng biyaya ang ating Panginoon. Kaya ikaw kapatid na may pinagdadaanan at feeling mo ay kulang  or hindi sapat ang kung anong meron ka ngayon naway lagi mong isapuso at tandaan ang Psalm 23:5 "My cup overflows with Your blessings"

Panalangin
Ama, salamat po dahil ng humingi kami sa Inyo ay higit pa sa sapat ang ibinibigay Niyo sa amin. Lord manatili po Kayong maging provider namin at salamat po dahil lagi namin Kayong maasahan sa aming mga pangangailangan.

Time with GodWhere stories live. Discover now