Hide & Seek

85 2 0
                                    

For the Son of Man came to seek and save the lost    Lucas 19:10

Habang sinusulat ko ang devotion na ito ay kasalukuyang masayang naglalaro ng Hide and Seek ang aking pamangkin at ang kanyang grandma. Napansin ko na ang may pinakamalakas na tili, sigaw  na may kasamang talon at "yehey I found you!" Ay sa tuwing matatagpuan nilang maglola ang isat isa.
Sa Lucas 15 ay ishinare ni Hesus ang tatlong parabula:
1. The lost sheep - kung saan iniwan ng pastol ang 99 nyang tuwa upang hanapin ang isa at ng matagpuan niya iyon ay masaya niyang itong ipinamalita sa kanyang kaibigan at kapitbahay
2. The lost coin - imagine this... piso ka lang at nawawala ka tapos nagawa pang umeeffort ang iyong amo sa paglilinis ng buong bahay upang hanapin ka at nang makita ka niya ay ipinagmalaki nya ito sa ibang ito. Grabe lang di ba? Piso ka lang ha... eh ano bang value ng piso ngayon... ni di nga ako makabili ng paborito kong flattops sa piso. Piso ka lang pero pinagmamalaki niyang nakita ka na niya.
3. The Prodigal son - sino bang di nakakaalam sa istoryang ito? Tungkol sa isang lalaking humingi ng advanced pamana sa kanyang ama upang ibusin ito sa mga makamundong bagay. Ang nang maubos na niya ang kanyang mana ay nakaranas siya ng hirap na mas mahirap pa sa baboy na may maayos ng pagkain. Nagkaroon man siya ng doubt sa kanyang pagbabalik sa kanyang pamilya ay nagulat siya dahil imbes na magalit ay buong puso siyang ni welcome back ng kanyang ama with big celebration pa.

Marahil na ikaw na nagbabasa nito ay sinasabi mo sa iyong sarili na hindi naman ako makarelate, hindi naman ako ung nawawalang tupa, salapi or prodigal son.
Maybe isa ikaw sa nga 99 na tupa, 9 na coins or ung kapatid ng prodigal son. Na witness mo ang lungkot ng iyong ama nang nangulila siya sa iyong kapatid or ang effort ng iyong pastol or owner sa paghahanap sa isang nawawala. At nang natagpuan nila ito ay nasaksihan mo rin ang kagalakan sa kanilang mga puso. Bilang anak... ayaw mo ba siyang makitang masaya? Bakit di mo siya tulungan sa paghahanap upang lagi mo siyang makitang masaya?
Marahil may mga kaibigan ka or kakilala ka na nakikitang lost or malayo  kay Kristo. Ipagdasal mo siya at ipagdasal mo rin ang iyong sarili na bigyan ka ng pagkakataon at lakas ng loob na mabahagian siya mga salita ng Diyos at maging blessing ito sa kanila.
At ikaw naman na marahil na ngayon ay naglalaro pa rin ng hide and seek at di pa rin lumalabas sa iyong pinagtataguan... pwedeng kaya ka hindi ka pa lumalabas dahil gusto mong ipagmalaki sa iyong mga kasama na magaling ka sa taguan or pwede rin natatakot ka ng lumabas diyan. Hindi ka ba naiinggit sa naririnig mong tawanan ng nga kasamahan mong natagpuan na? Malaya na silang tumatakbo at naglalaro uli. Sana sa mga oras na ito ay maisipan mong lumabas na sa iyong pinagtataguan... dahil mas masaya kapag natagpuan ka na ng ating  Panginoon.

Panalangin:

Panginoon, salamat po at di kayo sumusuko na hanapin kami at Lord salamat din po na may kagalakan Niyo kaming tinatanggap sa kabila ng aming mga pagkakamali at pagtalikod namin sa Inyo.
Lord katulad ng paghahanap Niyo sa amin ay hayaan Niyo pong tulungan namin kayo sa paghahanap pa ng mga lost souls. Lord use our talents and give us the confidence and the strength to share your word sa aming mga kapamilya, kaibigan at ang aming kapaligiran. Lord salamat po sa Inyong pusong magpapatawad. Mahal po namin Kayo. Amen

Time with GodWhere stories live. Discover now