Cell no. 7

17 1 0
                                    

Malamang kung napanood niyo na korean movie na "Miracle in Cell no. 7" ay ang magiging reaksyon ay iyak kayo ng iyak sa pelikulang ito.
Ito ay tungkol sa isang mentally impaired na inakusahan na ng raped ng isang batang babae at hinatulan ng kamatayan.
Ang masakit kasi sa pelikulang ito ay bukod sa makapagdamdamin na pagmamahal ng batang bidang babae sa kanyang kama ay kung paano kumilos ang hustisya sa isang taong mentally impaired, mahirap at walang kalaban laban.
Andyan yun sinasaktan siya ng mga pulis upang akuin ang kasalanang di naman talaga niya ginawa at ang pinilit siyang magsabi ng guilty para sa kapakanan ng kanyang nag iisang anak.
Dahil sa nakakadurog ng damdamin na pangyayari na ito at dahil sa injustice na nasaksihan ng batang babae ay yun ang nag-udyok sa kanya na maging lawyer upang buksan uli ang kaso ng kanyang ama at kahit wala na ito ay mabigyan pa rin niya ito ng hustisyang pinagkait sa kanya noon.

Sabi sa Kawikaan 22 : 22 Huwag mong abusuhin ang mga mahihirap o apihin man sila sa mga hukuman, 23 sapagkat ipagtatanggol sila ng Panginoon. Anuman ang gawin ninyong masama sa kanila ay gagawin din niya sa inyo.

Nalulungkot man tayo sa mga injustices na nakikita natin sa ating kapaligiran at nagtatanong tayo sa Diyos na asan na Siya? Lagi po naming isipin He is just silent pero He hear us... patuloy tayong manalangin at huwag mawalan ng pag asa. Manalig tayo na may gagawin ang Diyos.

Panalangin
Lord tinataas po namin sa Inyo ang nakakalunos na sitwasyon na nasasaksihan namin. Maraming pong injustices sa aming palagid. Ang dami pong mahihirap ang inaabuso ng mga taong may kapangyarihan at walang takot sa Inyo. Lord kahit napakabigat na po ng mga nangyayari ay naniniwala pa rin po kami na may gagawin Kayo at mangingibaw pa rin ang hustisya na galing sa Inyo.

Time with GodWhere stories live. Discover now