Prayer is Life

21 1 0
                                    

Kailan mo naiisip ang manalangin?
Kapag ba ikaw ay lalabas upang mamili sa katabing tindahan naiisip mo bang ipanalangin na sana ay mabili mo ang gusto mong bilhin?
Kapag ba ikaw ay nagplaplano ng susuotin sa isang party dinadalangin mo ba sa Diyos na gabayan ka nya sa pamimili ng yung OOTD?
Kapag ikaw ay naglilinis ng iyong tahanan dinadalangin mo ba na nawa ay tulungan ka ng Diyos sa Iyong paglilinis?
Kapag ikaw ay galing sa CR nagpapasalamat ka ba sa Diyos dahil nag alis / naglabas ka ng dumi sa iyong katawan.
Ang panalangin ay di lang para sa may mga masakit, para sa mga nasaktan or para sa mga nabigo. Masaya ka man or hindi gawin natin ang panalangin na kasa kasama natin sa ating buhay. Lahat pwedeng idulog sa Diyos walang exemptions don kaya hindi na dapat mahiya. Maslalo mo ngang mararamdaman ang pagpapala ng Diyos sa tuwing sinasagot Niya ang mga panalangin mo kahit sa maliliit na bagay. Ung safe mong pagtawid sa kalsada, ung nabili mo ung inuutos bilhin ng nanay mo, ung na manage mo ung buong oras mo sa maghapon etc.
Nais na Diyos na gawin nating buhay ang pananalangin ito ay upang lumago rin ang ating relasyon sa Kanya.
Kaya gawin nating Prayer is Life!
 Ephesians 6: 18 At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu. Ipanalangin nʼyo ang lahat ng dapat ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga pinabanal.[c]

Panalangin
Panginoon maraming salamat po dahil ginawa Niyong unlimited ang panalangin. Lord lagi Niyo pong ipaaalala sa amin na lagi po Kayong andiyan sa maliliit or malalaki mang ganap ng ating buhay.

Time with GodWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu