Sulit ba?

3 0 0
                                    

Tuwing kuwaresma ay lagi nating napapanood sa TV ang mga palabas tungkol sa Biblia, maslalo na ang tungkol sa buhay ni Hesu Kristo. Malamang ang iba sa atin ay ilang beses na ring napanood ang pelikulang "Passion of Christ" ilang beses din tayong naapektuhan sa pelikulang ito... ung tipong naiiyak at nasasaktan tayo sa tuwing nakikita natin ang brutal na pagpapahirap kay Kristo.
Alam din ng karamihan sa atin kung bakit kinailangan pagdaanan ni Hesus ang mga pagpapahirap na ito, ito ay upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan.
While medidating the death of Christ lets also ask ourselves... sulit ba ang paghihirap ni Hesus sa aking buhay? Sa tuwing ba nahahabag ako kay Kristo ay naiisip ko ba ang mga pagkakamaling nagagawa ko sa aking buhay na nagpapalayo ng relasyon ko sa Kanya. Do I confess my sins and asked for His forgiveness and help na tulungan Nya akong magbago?
Sa totoo lang, likas na makasalanan tayo at kahit anong effort natin ay magkakaroon tayo ng pagkakamali at di natin kayang suklian ang sakripisyo na ginawa ni Hesus sa Krus... but Jesus wants you to know that even if you are not perfect masaya Siyang isinakripisyo ang Kanyang buhay para sa Iyong kaligtasan. Naway ishare natin sa iba ang dakila pagmamahal na ito ni Kristo sa ibang tao.
Isaias 53: 11Kapag nakita niya ang bunga ng kanyang paghihirap, matutuwa siya. Sinabi ng Panginoon, “Sa pamamagitan ng karunungan ng aking matuwid na lingkod ay marami ang ituturing niyang matuwid, magdurusa siya para sa kanilang mga kasalanan.

Panalangin
Jesus, thank You dahil sa Iyong paghihirap ay natanggap namin ang kaligtasan. Hesus, inaamin ko po sa Inyo ang mga pagkakasala ko, patawarin Nyo po ako at tulungan Nyo po akong sumunod sa Inyo.

Time with GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon