Overcoming My Unbelief

76 5 0
                                    

Mark 9:24 Sumasampalataya po ako pero kulang pa. Dagdagan Nyo po ang pananampalataya ko

Sa Mark 9:14-29
Naabutan ni Hesus ang mga teachers of law at disciples na nagtatalo talo dahil hindi magawa ng kanyang mga disipulo ni Kristo na palayasin ang masamang espiritu sa katawan ng isang batang lalaki. Nang makita ni ng masamang Espiritu ni Hesus ay nangisay ang bata, itinumba at nagpagulonggulong sa lupa na bumubula ang bibig - in short naging worse ang situation.
Imagine yourselves na tatay ng bata na umaasa na gagaling ang anak dahil kay Kristo tapos parang mas lumalala pa? Sino ang di manglulumo? Parang disappointing na hindi na meet ang expectations mo. But in this story the child's father did not give up... he still beg to Jesus to help them and have pity on them, if Jesus can.
Jesus replied to him "If you can? Everything is possible for one who believes" Lahat nga naman kaya ng Panginoon.
The father of the child replied " I do believe, help me overcome my unbelief"
Madalas sa buhay natin ay nagakakaroon tayo ng struggles sa ating faith dahil nag said no si Lord sa mga requests natin or mas lumalala pa yung hirap ng pinagdadaanan natin or di kaya we are getting impatient sa mga prayers natin na hindi pa Niya sinasagot. Sabi ni Ptr Joel Osteen sa mga disppointments... change your perspective to faith. Kapit lang sa ating pananampalataya dahil hindi pa ito pa tapos.
Sa mga oras na nanghihina na ang faith natin due to negativity sa ating paligid. Yung tipong napatatanong tayo may Lord pa ba? Like what this father did is lets asked God na dagdagan pa at patatagin pa ang pananampalataya natin sa Kanya.
Sa pagpapatuloy ng istorya ay muling tinawag ni Hesus ang masamang Espiritu upang umalis ito sa katawan ng bata... lumabas ang masamang espiritu ngunit parang naging patay ang bata. Akala ng lahat patay na ang bata pero hinawakan ni Hesus ang mga kamay ito at itinayo... tumayo ang bata.
Maaring nasa sitwasyon ka ngayon na feeling mo end na of everything but always remember what Jesus said in verse 29 "This kind can come out only by prayer"
Salamat sa walang humpay na panalangin ng ama ng batang iyon. Na kahit sa gitna ng papangit na papangit na sitwasyon ay hindi pa rin siya sumuko sa kanyang pananampalataya.
Kaya keep on praying!

Panalangin
Panginoon, salamat po dahil kahit sa mga oras na feeling namin ay parang wala ng pag-asa ay inireveal Nyo sa amin na Kayo ang aming tanging pag-asa. We are sorry Lord sa mga panahon nanghihina ang faith namin sa Inyo. Lord we pray katulad ng ama ng batang iyon dagdagan Nyo pa po ang faith namin sa Inyo dahil Kayo po ang tangi naming kailangan.

May kwento ba kayo tungkol sa inyong faith na pwede bang maginspire ng ibang reader. Pls feel free to comment. Sabay sabay nating paluguin ang ating pananampalataya kay Kristo

Time with GodWhere stories live. Discover now