Indulgencia

8 0 0
                                    

Noong panahon ng Kastila ay may tinatawag na Indulgencia ang mga simbahan.
Ito ay ang paraan upang mapababa ang ating kaparusahan sa ating mga nagawang kasalanan.
Ang taong tumatanggap ng indulgencia ay pasasambatin ng mga dasal, o di kaya papuntahin sa isang lugar o di kaya gagawa ng good works.
Noong late middle ages, ang mga indulgences ay ginagamit sa mga charity works at dahil dito ay nagkakaroon ng abuse ang pagbibigay kaya naman ito ay tinutulan ng pioneer ng Protestant na si Martin Luther. Hindi sang ayon si Luther sa pagbibigay ng pera kapalit ay kapatawaran sa Diyos.
Sabi ni David sa Awit 51:
16 Hindi naman mga handog ang nais nʼyo;
    mag-alay man ako ng mga handog na sinusunog, hindi rin kayo malulugod.
17 Ang handog na nakalulugod sa inyo ay pusong nagpapakumbaba at nagsisisi sa kanyang kasalanan.
    Ito ang handog na hindi nʼyo tatanggihan.

Hindi tumitingin ang Panginoon sa ating pisikal na handog. Bagkus ang nais niya ay isang mapagkumbaba at taong nagsisisi sa kanilang ginawa.
Kaya ating tandaan kapag hihingi po tayo ng tawad sa Diyos remember be humble and ask for forgiveness thats the only rule. Hindi kailangang gumastos sa paghingi ng awa sa Diyos.

Panalangin
Panginoon, patawarin Niyo po kami sa aming nagawang kasalanan sa Inyo at sa aming kapwa. Lord salamat po dahil Kayo ang Diyos na may awa at kapatawaran.

Time with GodWhere stories live. Discover now