What is your basis?

2 0 0
                                    

Everyone has different opinions, principles and beliefs. Sa ating mga Pilipino madalas ay ang ating paniniwala ay naka based mula sa ating pinagmulan, mula sa ating mga ninuno at usually sa ating mga magulang kaya naman bawat pinanggalingan na lugar ng isang Pilipino ay may kilalang identity. May mga bayan na kilala na magaling magluto, meron ding kilala sa pagiging matapang, kuripot, hospitable atbp.
Minsan naman ang ating mga opinion ay binibase natin sa sinasabi ng ating mga sinusuportahan na pulitiko, celebrities, authors, speakers at kahit na mga alagad ng Diyos.
Pero oops... bago kayo mag-aaway, magtatalo sa ibat iba nyo opinyon at prinsipyo ito ang ating tandaan
Mga Taga-Colosas 2:8
[8]Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:

Tayo ay mag - ingat sa mga sarili nating ipinaglalaban na opinyon, prinsipyo at paniniwala... lets always ask ourselves... what is our basis? Tayo ba ay nakabase sa ating nakagaulian, tradisyon at sinasabi ng ibang tao... o tayo ay nakabase ayon sa kautusan ng Diyos.

Mga kapatid ang Biblia ay parang isa mapa or isang waze... upang di maligaw atin natin lagi siyang basahin, imedidate, i analyze at higit sa lahat ay sundin.

Panalangin
Lord, sorry po dahil kung saan saan o kung kani-kanino ko nakukuha ang ibang mga ibang ideologies ko. Lord tulungan at gabayan Niyo po ako sa pag-aaral ko po ng Inyong mga salita upang lahat ng pinaniniwalaan ko, opinyon ko at prinsipyo ay naka-base sa Iyong Kalooban.

Time with Godजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें