Inlove ka ba kay God?

5 0 0
                                    

Noon sabi ko sa sarili ko sana naging lalaki na lang ako para masabi ko ang aking nararamdaman sa taong gusto ko at gagawin ko ang lahat upang mapasa akin siya. Bilang kasi isang babae kailangan mong panghawakan ang bible verse na Song of Solomons 8:4 Promise me, O women of Jerusalem, not to awaken love until the time is right.
Pero nong may isang guy na after years of courtship, ginawa ang lahat for the love, nagsakripisyo for the sake of the girl, siya ang nag-aadjust para sa kanya at nagpakita ng mala fairytale / kdrama romance na talagang mapapasana all ang ibang girls .... she turned him down. Ouch! Sakit pala non, ginawa na lahat pero waley pa rin. Thank you Lord ginawa mo akong babae.

I believe most of us are praying for a God centered relationship, may asawa ka man or kasintahan or hinihintay pa ang iyong the one. Recently napagtanto ko hindi lang pala dapat pinagpipray lang ang pagkakaroon ng God centered relationship it is something na dapat i work on. Do we have a relationship with the Lord? Do we please Him? Are we following His will? Kilala ba natin Siya ng lubos?

Kaya naman naisip ko kesa "Mahal mo ba ako?" ang itatanong natin sa mga partners natin, sa mga suitors natin or sa mga babaeng bet nating ligawan lets ask them these questions "Inlove ka ba kay God? Mas mahal mo ba si God kesa sa akin?" At siyempre tignan o saliksikin mo rin kung tunay nya ngang ipinamumuhay ang kanyang kasagutan sayo dahil ang tunay na God centered relationship ay pagmamahal kay Kristo nang higit sa lahat.

Jesus said to Simon Peter, "Simon son of John, do you love me more than these?" John 21:15

Panalangin

Lord Jesus, patawarin Nyo po kami kung nagagawa naming magbuhos ng pagmamahal sa aming kapwa pero di namin magawang magbuhos ng pagmamahal Sayo. Lord this time, ikaw ang unaahin namin at ang pinakaiibigin namin.

Time with GodWhere stories live. Discover now