Discipleship Life

23 1 0
                                    

Nalulungkot ako sa mga naririnig ko na balitang may mga Kristiyanong nagbackslide or nabawasan na ang passion ng pananampalatay nila sa Panginoon dahil sa nakaranas sila ng condemnation sa kanilang simbahan or judgement sa ibang tao.
May mga ilan naman na kesa mainvite ang isang non Christian na makilala si Kristo ay uunahan niya agad ito ng mga panakot tungkol sa mga curses ng kanyang mga kasalanan at pagsusunog ng kaluluwa sa impyerno.
Yung kesa sharing Gods love at maging at peace yung tao ay naging blackmailing or threat ang nangyari.
Ang nais ng Diyos ay maging gentle tayo or mahinahon sa paghihikayat sa ating mga kasamahan na maging Kristyano.
Bakit di natin umpisihan sa bible verse na John 3:16 at maging testimony tayo kung paano natin naramdaman ang pagibig ng Diyos sa ating buhay.
Yung kesa punahin natin yung kanilang masamang ginagawa eh lets just simply share God's love to them and pray for them. We can also ask God na gawin nila tayong instrumento upang ipafeel natin sa taong yun na mahal sya ng Diyos by helping that person on his needs. Ipagdasal natin sa Diyos na gabayan Niya tayo sa ating mga sasabihin sa ating kapwa. Ipagdasal natin na Lord gamitin mo ang boses at bibig ko upang ipahatid kung ano man ang gusto mong ipasabi sa taong ito.
Prayer is the key... pray for guidance in how we will handle our discipleship life... ipagdasal din natin sa Diyos na bigyan Niya tayo ng katatagan sa mga times na maaring maging weak pa rin tayo kapag nakahalubilo tayo sa mga di pa nakakakilala sa Kanya. Hindi exemption ang tukso kahit Kristyano ka pa.
Tayo dapat ang manghila sa kanila palapit sa Diyos hindi yung tayo ang mahihila palayo sa Diyos.
God bless sa ating discipleship life!

Mga kapatid, kung may magkasala man sa inyo, kayong mga ginagabayan ng Banal na Espiritu ang dapat tumulong sa kanya para magbalik-loob sa Panginoon. Ngunit gawin nʼyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo dahil baka kayo naman ang matukso
Galacia 6:1

Panalangin
Lord gusto ko pong maging sincere sa pagdidisciple ko. Hinihingi ko po sa Inyo na bigyan Niyo po ako ng kalakasan, gentleness at disipline sa pagsishare ko ng pagibig Nyo sa ibang tao. Kayo po ang magbigay sa amin ng wisdom at guidance sa anong gagawin namin sa bawat taong gusto naming magbuild ng relationship sa Inyo.

Time with GodOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz