Omnipresent

14 1 0
                                        

Dahil sa pandemic ay magdadalawang taon na ring di makasamba / makasimba ang mga mananampalataya sa kanilang pisikal na simbahan or simbahan.
May nabasa nga akong isang tweet noon ng sinabi ng gobyerno na magdasal sa Diyos upang matapos na ang pandemyang ito ang sabi sa tweet ng isang unknown netizen ay paano sila magdarasal kung sarado ang mga simbahan dahil sa ECQ.
Minsan naman ay may nagtweet kay Kuya Kim Atienza ng ganito "Nasaan ang Diyos?" Ang tweet reply naman ni Kuya Kim ay "He is omnipresent. God is everywhere."
Ang sabi ng babaeng Samaritana kay Hesus sa Juan 4:
19 “Sa tingin ko, isa po kayong propeta. 20 Ang aming mga ninuno ay sumamba sa Dios sa bundok na ito, pero kayong mga Judio ay nagsasabi na sa Jerusalem lang dapat sumamba ang mga tao.”
At ito naman ang naging tugon ni Hesus sa kanya:
21“Maniwala ka sa akin; darating ang panahon na hindi na kayo sasamba sa Ama sa bundok na ito o sa Jerusalem.
.23 Tandaan mo, darating ang panahon, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan. Ganito ang uri ng mga sumasamba na hinahanap ng Ama. 24 Ang Dios ay espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa pamamagitan ng espiritu at katotohanan.”

Kahit nasaan ka pa ay maari kang sumamba sa Panginoon, sa bahay man, sa opisina, habang naglalakad sa kalye at kung saan pa dahil ang katotohanan ang ating Panginoon ay hindi tumitingin kung saan tayo sumasamba sa Kanya ang Kanyang tinitignan ay ang ating puso at espiritu sa pagsamba.
God is everywhere, He is omnipresent, You can talk to Him anytime and anywhere.

Panalangin

Panginoon marami pong salamat dahil lagi Kayong andiyan na handang makinig sa amin. Salamat po dahil alam po naming nasaan man po kami ay di Niyo po kami iiwan. Lord lagi Niyo pong ipaaalala sa amin sa bawat lugar na pupuntahan namin ang Inyong presensya.

Time with GodWhere stories live. Discover now