Retirement

23 1 0
                                    

Andon ang pangamba ng mga tao kapag sumasapit na sila sa edad na 60 or ang tinatawag nating retirement age. Sa ibang bansa tulad na napuntahan namin sa Singapore at Japan napansin namin na ang mga senior citizens ay nagtratrabaho pa rin sa mga fastfood at restaurant, amusement parks at kahit na taga pulot ng basura sa kalsada sa kabila ng kanilang edad.
Dito kasi sa ating bansa kapag tumungtong na ang edad mo sa 60 or 65 most of the companies already required you to retire... kaya naman ung mga kakilala ko na need ng magretire pero may hindi pa graduate na anak or madami pang bayarin ay talagang malaking pagsubok sa kanila ang retirement.
Nong nagretire ang tatay ko at the age of 60 ay napag isip siya kung ano ang kanyang gagawin after being a bank employee for almost 3 decades. Pero sa pagpapala ng Panginoon ay hindi pinabayaan ng Diyos ang aking ama... kung kailan siya naging senior citizen ay doon siya naging negosyante and hanggang ngayon na mid 70s na siya ay may kalakasan pa rin siyang ineenjoy ang pagpapaunlad ng kanyang negosyo. Naging malaking tulong din ang negosyo niya para sa mga ibang gastusin at pangangailangan naming pamilya. Salamat sa Diyos.
Sabi sa Salmo 92 ang taong matuwid ay lalago at uunlad kahit sa pagtanda na. Hanggang ngayon ay ipinagdarasal ng aming pamilya na bigyan kami ng Diyos ng good health at long life at maging channel of blessings at channel of God's word sa ibang tao. Nawa ikaw rin na nagbabasa na ito maging dalangin mo sa ating Panginoon na mamuhay ka ng matuwid at kalugod lugod sa Diyos at maging pagpapala sa iba hanggang sa ating pagtanda. God bless you!

12 Uunlad ang buhay ng mga matuwid gaya ng mga palma,
    at tatatag na parang puno ng sedro na tumutubo sa Lebanon.
13 Para silang mga punong itinanim sa templo ng Panginoon na ating Dios,
14 lumalago at namumunga kahit matanda na,
    berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag.
15 Ipinapakita lamang nito na ang Panginoon, ang aking Bato na kanlungan ay matuwid.
    Sa kanyaʼy walang anumang kalikuan na matatagpuan. -Salmo 92:12-15

Panalangin:

Panginoon, maraming salamat po sa iyong pangako ng maglago at pagunlad kung mananatili kaming matuwid at kalugod lugod sa Inyo. Ang bawat pangako Niyo ay kalakasan at inspirasyon namin. Panginoon dalangin namin na tulungan Niyo po kaming mamuhay ng matuwid, kalugod lugod sa Inyo at maging channel of blessings and God's words sa iba hanggang sa aming pagtanda.

Time with GodWhere stories live. Discover now