Delayed?! Postponed?!

21 2 2
                                    

Naalala ko pa nong nagplano kaming mag anak na umakyat ng Sagada. Kumuha kami travel agency sa FB para sumali sa isang joined group tour papuntang Sagada.
Ready na kami sa aming 4 days pamamasyal sa Sagada nakaimpake na ang mga damit namin at nagfile na rin ng vacation leave sa opisina.
Ilang tulog na lang ay ready na kami sa Sagada nang biglang tumawag ang travel agency at sinabing di matutuloy ang aming lakad dahil may mga umatras na kasama sa tour due to emergency reasons.
Nataranta ako ron kasi super excited na kami tapos ganon? Parang naurong ung excitement namin kaya nakiusap ako sa agent na pwedeng ituloy pa rin pero hindi daw talaga at maghintay na lang daw sa tawag nila for the reschedule.
After few weeks ay muling tumawag ang agency at sinabing tuloy na tuloy na kami sa Sagada.
So ayun nga namasyal kami sa Sagada nakakita ng mga sea of clouds, nag caving, umakyat sa mga bundok at talagang nag enjoy kaming pamilya sa kaiibang experience at adventure na iyon. Noong pababa na kami ng Sagada ay naalala namin na Penagbengga Festival pala sa Baguio at pare parehas kaming magkakagrupo na di pa nakakaattend ng nasabing festival at napakabait din ni Manong driver dahil pinagbigyan nila kaming dumaan ng Baguio upang makita ng personal ang magagandang flower floats doon! Hmmm... kaya pala na moved ung pasyal namin kasi may bonus si Lord gusto Niyang maranasan din namin ang Penagbengga Festival!

Dahil sa pandemic ay madami tayong naranasang delayed at postponed sa buhay natin. Ung akala mo matutupad na yung mga pangarap mo kaya lang biglang nagquarantine... yung ito sana ang plano mo pero di natuloy dahil sa Covid19. Masakit... nakakalungkot... nakakafrustrate pero bilang Kristiyano ay patuloy tayong manalig at magtiwala sa Diyos at akapin ang pangako Niya sa Ecclesiastes 3:11 He has made everything beautiful in its time.

Panalangin
Lord salamat po dahil napakaganda ng Inyong timing. Napakabuti Niyo dahil kahit may nararanasan man kaming delay or postponed sa aming buhay ay kapag nasasakatuparan naman po ito ay lagi pong may bonggang bonus. Lord kahit po nafrufrustrate kami at nalulungkot ngayon dahil sa mga delays at postponed na ito ay nanalig po kami na nakaabang ang perfect timing Niyo.

Time with GodDove le storie prendono vita. Scoprilo ora