Jesus Wept

11 2 0
                                    

Naprank ka na ng ganito? Yung tipong iyak ka na ng iyak kasi akala mo totoo pero ung mga pranksters mo ay tuwang tuwa dahil napaniwala ka nila. Nakakapikon di ba?

Ibahin natin si Jesus, unang una hindi prankster si Jesus, sa Book of John 11:14 14Kaya tinapat sila ni Jesus, "Patay na si Lazarus. 15Ngunit nagpapasalamat ako na wala ako roon, dahil ang gagawin kong himala sa kanya ay para sa kabutihan ninyo, upang lalo pa kayong sumampalataya sa akin.

Hinayaang niyang mamatay si Lazarus because He has reasons at itoy upang maparangalan ang Diyos at mapangaralan din Siya na anak ng Diyos. (v 4)

Nang makarating na sila sa tahanan ng magkakapatid ay sinalubong siya nila Martha at Maria na kapatid ni Lazarus. Maria felled in her knees and cried. Nang makita ito ni Hesus ay nabagabag ang puso Niya at naawa kay Maria pati na ang mga kasama nitong mga Hudyo and v35 Jesus wept

Tunay ngang alam ng Diyos ang future natin. Tunay ngang sa kabila ng mga pagsubok natin sa buhay ay may maganda Siyang planong inihanda sa atin. Jesus Christ knew that He will rise Lazarus from the dead pero gusto Niyang malaman nating lahat na sa tuwing naghihinagpis tayo, sa tuwing umiiyak tayo, sa tuwing nalulungkot tayo ay kasabay din natin siyang umiiyak, nalulungkot... Hindi tayo nag-iisa... lagi nating kadamay ang Diyos sa mga moments na nalulungkot tayo. Umiiyak din siya kasama natin.

Panalangin
Lord Jesus thank You... dahil lagi ka naming kadamay in every seasons of our lives. Kasabay ka naming tumawa at sinasabayan mo rin kami sa mga times na naiiyak na kami sa mga pinagdadaanan namin. Jesus thank You for showing us that You really love us and You really care for us. Salamat dahil lagi ka naming karamay.

Time with GodDonde viven las historias. Descúbrelo ahora