KABANATA CLXXXIV

10.8K 67 11
                                    

Mukhang malungkot si Lily sa mga sandaling ito, bumagsak ang kaniyang mga kilay na parang isang cresent na buwan. Higit isang linggo na ang nakalipas mula noong huli niyang makita ai Darryl. Hindi pa ito tumatawag o umuuwi sa kanila. Mayroon ding ilang pagkakataon na kung saan gusto niya itong tawagan, pero agad niyang naalala ang nangyari noon sa ospital.

"Bakit ba napakalaki ng ego ng lalaking iyon? Ako ba muna dapat ang tumawag sa kaniya? Ah kung ganoon, bahala na!" Isip ni Lily habang naglalakad papasok sa lobby.

Nang pumasok siya sa lobby, agad niyang naramdaman ang kakaiba sa paligid. Pangkaraniwang tumatayo ang mga staff sa front desk para batiin siya, pwro nanatiling nakaupo ang mga ito at nagpatuloy sa kanilang pagkukuwentuhan nang makita siyang pumapasok sa lobby.

Agad na napasimangot dito ang nacoconfuse na si Lily. Mukhang naging masama ang weekend nila? Isa lang naman iyong maliit na pagkakamali kaya hinayaan niya lang ang mga ito at nagpatuloy papunta sa kaniyang opisina. Pero nang papunta na siya roon, nakita niya ang ilang mga nagkukuwentuhang mga staff habang ang iba rito ay naglalaro pa sa kanilang mga cellphone. Nagsimula na ang oras ng trabaho! Ang pinaka na kapag pabagabag sa kaniya ay ang hindi pagpansin ng mga tao sa kaniya, at itrato siya bilang isang hangin! Hindi manlang bumati o humarap ang mga ito para batiin ang director of the board.

"Hoy, ikaw! Alisin niyo na ang mga cellphone sa harapan ninyo! Sino ang nagsabi sa inyo na pupuwede kayong maglaro sa oras ng trabaho?" Pumapadyak na sermon ni Lily.

Walang naging pakialam ang mga staff sa sinabi niyang ito habang nagpapalitan ng tingin at tila walang pakialam sa kaniya, nagpatuloy ang mga ito sa paglalaro sa kanikanilang mga cellphone. Parang walang importansya para sa mga ito si Lily. Nagsimula namang magtawanan ang iba pang mga staff na nasa kanilang paligid.

"Ano ang nangyari? Bakit hindi na sila natatakot sa kanilang boss?" Isip ni Lily.

"Hoy, kayong lahat! Mag impake na kayo at umalis! Hindi namin kailangan ng mga tauhang kagaya ninyo!" Utos ng nagagalit na si Lily.

Kasabay nito ang paglapit sa kaniya ng kaniyang assistant na may nababagabag at hindi mapakaling itsura sa kaniyang mukha.

"Mayroon pong nangyari, president Lyndon..." Sabi nito.

"Mayroong nangyari?" Isip ni Lily.

"Anong problema? Ano ang katapatan nila para utusan ang mga ito na huwag sundin ang Presidente? Hoy! Narinig mo ba ang sinabi ko? Mag impake na kayo at umalis dahil tanggal na kayong lahat!" Kalmadong sagot ni Lily.

Dahan dahang pumasok si Grandma Lyndon sa opisina kasama si William at iba pang miyembro ng pamilya Lyndon.

"Ano ang ginagawa rito ni Grandma? Kung matatandaan, hindi kailanman umalis si Grandma Lyndon ng mansyon? Kaya ano ang ginagawa niya rito?" Isip ni Lily.

"Huwag kang gumawa ng eksena rito, Lily. Ako ang nag utos sa kanilang magpahinga ngayong araw. Matapos ang aming ginawang board meeting kanina, napagdesisyonan namin na tanggalin ka bilang president ng board." Walang pakialam na sinabi ni Grandma Lyndon na para bang hindi siya nakiusap dito na ibigay ni Lily ang ilan sa kaniyang mga shares.

Para itong isang kidlat na tumama Kay Lily.

Agad na nanginig ang buo niyang katawan. Dito na nagtanong ang nakakagat sa kaniyang labi si Lily. "Bakit Grandma?"

"Bakit? Tinatanong mo ba kung bakit?" Naglakad paabante ang nanlalamig na nakangiting si William. "Hindi ka ba natuwa na maging presidente ng ilang araw? Masyado nang matagal ang paghawak na na ginawa mo sa ating mga negosyo kaya dapat lang na ibalik mo ang lahat ng ito sa dati.

Nitong mga nakaraang araw, walang tigil na siniraan ni William si Lily kay Grandma Lyndon. Dahil ito nga ang paboritong apo, mabilis nitong nakumbinsi si Grandma Lyndon na nagsimula na ring mamuhi kay Lily nang dahil kay William.

"Grandma!" Pinigilan ni Lily ang kaniyang galit at huminga nang malalim. "Ilang araw pa lang ang nakalilipas ay nagawa mong kunin sa akin ang hawak kong mga shares, dahil dito ay nagawa kong ibigay ang 20% sa 51%na hawak kong shares. Mayroon pa akong 30% ng shares sa kumpanya. Kaya paano niyo ako magagawang tanggalin? Wala kayong katapatan!"

Kahit 30% na lang ang shares na hawak niya, siya pa rin ang taong may hawak ng pinakamalaking shares sa mga negosyong hawak ng pamilya Lyndon. Kaya paano nila ito magagawang tanggalin?

"Basahin mong maigi ang kontratang pinirmahan mo!" Malakas na hinampas ni William ang lamesa. "Malinaw na nakasaad dito na mayroon kaming katapatan na tanggalin ka."

Malinaw na sinabi sa kontrata na boluntaryong ibibigay ni Lily ang lahat ng hawak niyang shares!

Ilang araw pa lang ang nakalilipas, noong hingin ni Grandma Lyndon ang kaunting bahagi ng shares na hawak ni Lily, pinirmahan ni Lily ang kontrata nang hindi ito binabasa. Ang hindi niya alam ay nagawa siyang linlangin ni Grandma Lyndon sa pagpapapirma ng kontratang ito.

"Mag impake ka na at umalis!" Naiinis na sinabi ni William.

Dito na bumigat ang dibdib ng dismayadong si Lily. Ilang taon siyang nagtrabaho nang maigi para sa kanilang pamilya, pero ito lang pala ang ibibigay nilang kapalit sa ginawa niyang iyon.

"Grandma...." Hindi maiwasang sinabi ni Lily.

"Lilybud," tayo ni Grandma Lyndon sa tulong ng hawak niyang baston, "Tama si William. Walang kahit na sino ang confident sa pagiging presidente mo ng mga kumpanyang hawak ng mga Lyndon. Kahit hindi na naging masama ang ipinakita mong performance sa paghawak ng ating mga kumpanya, isa ka pa ring babae sa huli. Hindi ka karapat dapat na magkaroon ng ganoong klase ng awtoridad. At ngayong wala ka nang kahit isang shares sa aming mga negosyo, umalis ka na at huwag na huwag ka nang babalik sa tahanan ng mga Lyndon.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now