MISSION 73.1: WE'RE MEANT TO SAY GOODBYE

1.3K 54 2
                                    

Shim’s POV

Bumaba ako sa tinurong daanan ni Angel papunta sa underground. May muntik pang makakita sa kin mabuti na lang mabilis akong nakatago sa isang gilid. Nung dumaan siya ay pinukpok ko siya sa ulo at hinila sa pinagtataguan ko. Nung wala na siyang malay ay kinuha ko ang mga damit niya. Magdi-disguise ako bilang hunter. Nung kinuha ko na ang suot niyang black mask na pantakip sa bibig... may napansin ako sa gilid ng leeg niya.

Bakit may tattoo siya ng kapareho sa tattoo ng league ni King Cobra? May hindi ba kami nalalaman? Mamaya ko na nga lang poproblemahin.

Nagsimula akong maglakad sa loob ng laboratory. May ganitong lugar pala sa headquarters na to? Parang sa palabas ko lang nakikita. May mga high-tech equipments na siguradong pinaglaanan ng husto ni Jerry para lang magawa ang mga bagay na  to.

Madami akong hunters na nakasalubong habang papasok ako ng papasok. Mabuti na lang at may sombrero pa kong suot katulad nila kaya hindi nila nahahalatang kalaban ako. ilang saglit pa ay napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Paige.

Anong ginagawa sa kanya? Bigla siyang sumigaw, Paige! Nakita ko rin si Sungyeol at Woohyun na inihihiga at ginagapos ang mga kamay.

Tumingin ako sa mga malalaking computer screens, wala akong maintindihan sa balak nilang gawin. Pero isa lang ang alam ko, torture to sa kanila!

Nakita ko si Jerry na nakaupo na parang hari sa pinakagitna. Kailangan kong kumilos, mabilis akong naghanap ng mapagtataguan—

“HOY IKAW!”

Napatigil ako nung marinig ko ang boses ni Jerry na umecho sa buong paligid. Lumingon pa ako ng kaunti, napansin na ba niya ako?

“OO IKAW! PUMUNTA KA DITO!”

May isang hunter na nilagpasan ako, nakahinga ako ng maluwag nung hindi niya naman pala ako napansin. Pagkatapos ay tinuloy ko na ang naisip kong plano. Hinawakan ko yung baril sa gilid ng pantalon ko... pakiusap makisama ka kahit ayaw sana kitang gamitin.

Nakahanap ako ng mapagtataguan na hindi madaling mapansin ng lahat doon at sapat lang para maasinta ko ang direksyon ni Paige. nanginginig kong tinarget yung malaking machine na nasa uluhan ni Paige.

Kaya ko to.

Hanggang tuluyan ko ng paputukin.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now