MISSION 48.1: LET ME SPEAK WHAT I FEEL

2.8K 70 62
                                    

 HELLO! Dedicated ito sayo ^^ Thanks for reading

Mhezra’s POV

Nagi-guilty ako sa mga sinabi ko sa Ate ko. Feeling ko ang bad bad ko na. Pero halata namang totoo yung mga sinabi ko ah, bakit ganun siya maka-react? Kakainis.

Napalabas din tuloy ako ng bahay pero dala ko yung bike. Wala akong balak maglakad. Punta na lang kaya ako kay Sungyeol ulit? Tutal sa kanya lang naman ako masaya eh at yun nga ang ginawa ko bumalik ako sa bahay niyo pero nakailang door bell ako wala namang sumasagot.

“Umalis kaya siya?” tanong ko sa sarili ko. Napa-pout na lang ako, umalis nga siguro siya  pagkahatid niya kasi sa kin kanina dali-dali na siyang umalis. Aalis na lang din siguro ako. Nakalabas na ako ng building nang may nakita akong lalaki sa di kalayuan na naglalakad. Nakatalikod siya sa kin pero sigurado akong si Sungyeol yun!

“SUNGYEOL!!!!!” tinawag ko siya kaagad sakto naman na tumigil siya at tumingin sa kin, mabilis akong pumunta sa direksyon niya.

“Mhezra? Bakit nandito ka?” gulat na tanong niya nang makita ako.

“Gusto lang uli kita makasama? Hindi ba pwede?”

“Kakauwi mo lang kani-kanina ah.”

“Eh kasi…” sasabihin ko ba sa kanya na nag-away kami ni Ate?

“Hindi ako pwede ngayon Mhezra eh, may pupuntahan ako.”

“SASAMA NA LANG AKO SAYO!” masayang sabi ko.

Muling nagulat si Sungyeol. “Ha? Hindi pwede eh next time na lang Mhezra.”

“Saan ka ba kasi pupunta?”

“Basta hindi pwede, umuwi ka na lang muna. Tsaka wag mo akong susundan.” Tumalikod na uli siya at naglakad pero sadyang pinanganak akong makulit.

Naglakad din ako pasunod sa kanya na ikinatigil niya ulit.

“Mhezra.”  Yung tono niya yung parang sinasaway ako.

“Susunod ako sayo, sasama nga ako diba?”

“Diba sinabi ko ng hindi pwede?”

“Eh gusto—“

“May mga bagay na sadyang hindi talaga pwede Mhezra kahit ipagpilitan mo pa.”

BOOM.

Pakiramdam ko may laman na naman yung sinabi niya. Ano ba talagang gusto niyang sabihin?

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang