MISSION 11: FIRST FIGHT

4.2K 89 21
                                    

 PARA SA KABALIWAN KO SA MESSAGE BOARD NIYA!! XD KAILAN TAYO MATATAPOS? HAHAHA

Recently on The Gangster Hunter…

Nag-walk out si Invisible Queen sa meeting, anong alam niya tungkol sa mga hunters? Sila nga ba ang inaakala niyang nawawala? At hindi pa man nagtatagal ang lahat, makakaharap niya na si…

“L the Phantom Hunter, and it’s nice to finally meet you… Invisible Queen.”

Invisible Queen’s POV

Hindi ako makagalaw. Paanong ang bilis niya akong ma-corner? Kung masusuot ko lang ang maskara ko ngayon… kanina ko pa sana naagapan ang pag-atake niya.

“What now Invisible Queen?” naramdaman kong halos ipaikot niya sa batok ko ang kung ano mang matulis na bagay na hawak niya. Kailangan kong kumalma, kaunting galaw ko lang ay mamamatay ako.

Hindi siya ordinaryong hunter.

“Stuck up huh? Got mesmerize with me? Why don’t you face me and let this fight begi----

BOOOOGS!!!!!

“PURO KA SATSAT!” Malakas siyang tumilapon sa semento nang mabilis akong humarap at sinalubong siya ng isang napakalakas na suntok! Sinadya kong patamaan ang mukha niya para hindi niya ako makita at saka ko kinuha ang tiyansang yun para kunin ang maskara ko at isuot!

“Fuck.” Rinig kong curse niya at saka bumangon sa malamig na semento. Malamang ay hindi niya inasahan ang agresibo kong pa-atake!

Dahan-dahan siyang tumayo at nakayukong naglalakad papunta sa akin hila-hila ang isa palang espada! Iyon ba ang itinutok niya sa akin kanina?

Hindi siya nag-aangat ng tingin! Patuloy siyang nakayuko at may kung anong pinahiran sa bibig niya gamit ang kanang kamay niya! Mukhang napuruhan ko yun. Mukhang dumugo.

“Huh, you’re aggressive.” Sabi niya ngunit hindi pa rin nag-aangat ng tingin. Anong binabalak niya? umatras ako at dumistansiya sa kanya. Kailangan kong makita ang mukha niya, kailangan kong mapatunayan.

“L nga ba ang pangalan mo?” tanong ko.

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]Where stories live. Discover now